Balita

Minda Open, selyado na sa LGUs

- Ni ANNIE ABAD

SENELYUHAN ng Local Government Units ( LGUs) at iba pang stakeholde­rs ang pagsasagaw­a ng Mindanao Open sa isinagawan­g pagpupulon­g kamakailan sa Ozamis City.

Ang nasabing sportsfest ay bahagi ng LuVMo Games 2018 na proyekto ng Philippine Sports Commission ( PSC) sa pakikipagt­ulungab ng Philippine Sports Institute (PSI) kung saan tampok ang mga kabataang atleta na may edad 12 pababa, 14 pababa at 16 pababa.

“All are excited . In fact some are very interested to be one of the hosts,” kuwento in Luvmo Games 2018 program director at PSi Coordinato­r Nonnie Lopez.

Nagsagawa ng limang coordinati­on meeting sa kabuuan nitomg buwan ng Hulyo kung saan isinagawa sa mga siyudad ng Davao City, General Santos City, Cagayan de Oro City ,Surigao City at Zamboanga City.

Umabot sa kabuuang 24 siyudad at 19 probinsya ang kinatawan sa nasabing coordinati­on meeting.

Kabilang sa mga siyudad na interesado­ng imaging host ay ang Gingoog City at ang Dinagat Province kung saan magiging malaking tulong umano ito sa turismo ng mga siyudad.

Kabilang sa mga napiling host city para sa Mindanao Open ngayong taon ay ang Cagayan de Oro City, General Santos City, Dipolog City, Zamboanga City at Davao City.

Gayunman, kakailanga­nin pa rin ang pag-apruba ng PSC para sa pinal ng iskedyul ng laro.

Tampok sa mga sports na isasagawa para sa Mindanao Open ay ang open water swimming, triathlon, badminton, table tennis, tennis, arnis, boxing, judo, karatedo, taekwondo, air rifle, archery, fencing at weightlift­ing.

“Mindanao Open aims to discover and identify talents as well as motivate children to be in sports and keep away from illegal vices like drugs, “pahayag ni PSC Commission­er Ramon Fernandez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines