Balita

Adamson at UST, walang gurlis sa PVL

-

NANATILING imakulada ang marka ng Adamson University sa apat na laro nang pabagsakin ang University of Perpetual Help, 2515, 25-21, 25-12, kahapon sa men’s division ng second season ng Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference sa FilOil Flying V Centre.

Kumpiyansa ang Soaring Falcons laban sa matikas na Altas, ang kasalukuya­ng NCAA champion,

Naging madali sa Adamson ang pagkopo sa panalo matapos malimitaha­n ang Perpetual sa kabuuang 48 puntos. Bumagsak ang Altas sa 1-3 record.

Nanguna si Paolo Pablico sa Falcons sa naiskor na 16 puntos, habang kumana si Leo Miranda ng 10 puntis. Walang Perpetual player ang nakaiskor ng double digits.

Target ng Soaring Falcons na makamit ang ikalimang sunod na panalo sa pakikipagt­uos sa Far Eastern University sa Miuerkules, habang babawi ang Altas laban sa College of Saint Benilde Blazers.

Nakopo rin ng University of Santo Tomas, sa pangunguna nina Joshua Umandal at Manuel Medina, ang ikaapat na sunod na panalo nang pabagsakin ang College of Saint Benilde, 25- 23, 26-24, 25-23.

Naisalba ng Tiger Spikers ang natamong 32 errors para mapanatili­ng malinis ang karta.

Hataw si Umandal sa natipang 16 puntos, tampok ang 11 attacks, tatlong blocks at isang service aces, habang kumana si Medina ng 12 kills, dalawang aces at isang block.

“Ayaw nila patalo ‘ yung set ( second) na ‘ yon kasi we were behind by two points. Si Timmy ( Tajanlangi­t) sabi ko get three points,” sambit ni UST coach Odjie Mamon.

“Ayon nakuha, ang nag initiate lang is ‘yung serve niya, kargado. So nakakapwes­to sila sa block. Good naman at kung hindi pa pumuntos ‘yon papagalita­n ko,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines