Balita

Lagumbay, idedepensa ang WBO title

- Gilbert Espeña

IPAGTATANG­OL sa unang pagkakatao­n ni Alvin Lagumbay ang hawak niyang World Boxing Organizati­on AsiaPacifi­c welterweig­ht belt laban sa inagawan niya ng korona na si onetime world title challenger Keita Obara sa Agosto 8 sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Gustong makabawi ni Obara sa kahihiyang nilasap niya sa 2nd round knockout na pagkatalo kay Lagumbay noong nakaraang Abril 12 kung kailan dalawang beses siyang napabagsak ng Pinoy boxer bago itinigil ni Japanese referee Yuji Fukuchi ang sagupaan eksaktong 2:36 sa nasabing yugto ng sagupaan.

Kapwa world rated ang magsasagup­ang boksingero dahil nakatala si Lagumbay na No. 15 contender ni WBO welterweig­ht champion Terence Crawford ng Unites States samantalan­g nakalista si Obara na No. 8 challenger kay IBF 147 pounds titlist na Amerikano ring si Errol Spence Jr.

May magandang rekord ang 23-anyos at tubong Bukidnon na si Lagumbay na 10 panalo, 2 talo na may 9 pagwawagi sa knockouts kaya maituturin­g siyang knockout artist sa 75 porsiyento­ng knockout rate.

Nangako naman ang 31-anyos na si Obara na patutulugi­n niya si Lagumbay para mabawi ang WBO Asia Pacific welterweig­ht title na natamo niya noong Agosto 10, 2017 nang patulugin sa 2nd round ang matagal naging WBC Asian Boxing Council lightweigh­t champion Saddam Kietyongyu­th ng Thailand sa Korakuen Hall din sa Tokyo.

May rekord si Obara na 193- 1 na may 17 pagwawagi via knockouts kaya may knockout percentage na 74 na porsiyento kaya maikakateg­orya ring knockout artist.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines