Balita

Rhian napapamura sa isang senador

- Ni NITZ MIRALLES

TAMA kaya ang hula namin kung sinong senador ang na-tweet ni Rhian Ramos na gusto niyang murahin. “Is it against the law to cuss at a senator? I don’t plan to... Im legit just wondering.”

Parang alam din namin ang rason sakaling ituloy ni Rhian ang pagmumura sa senador. Pero hindi namin sasabihin at pati kung anong isyu, dahil tiyak nang mahuhulaan.

Nakakatuwa­ng basahin ang comments sa tanong ni Rhian, lalo na ‘yung nag-comment na hindi bawal sa batas ang magmura. Katwiran pa: “Our President cuss at everyone.”

May nag-comment pa na kung hahanapan ng kaso si Rhian ‘pag minura ang hindi pinangalan­ang senador ay sabihin niyang freedom of speech ‘yun. Kaya kung feel niyang murahin ang senador, gawin niya.

May mga nakahula kung sinong senador ang pinatutung­kulan ni Rhian, pero hindi rin nila binanggit

ang pangalan ng senador.

Samantala, habang wala pang teleserye sa GMA- 7 si Rhian, sa paggawa ng pelikula muna siya naka- focus. Pagkatapos ng 72 Hours nila ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla, ginagawa ngayon ni Rhian ang pelikula nila ni JM de Guzman.

Si Rhian din ang pumalit kay Jasmine Curtis-Smith sa pelikulang Empty By Design kasama sina Osric Chau, isang Canadian actor na may dugong Chinese at Malaysian; at si Chris Pang, isa sa mga bida sa Crazy Rich Asians.

Nagsu-shooting na rito ang nabanggit na pelikula, at sa nakita naming photos ay si Rhian pa lang ang Filipino actor na kumpirmado­ng kasama sa cast.

 ??  ??
 ??  ?? Rhian
Rhian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines