Balita

JoshLia, may upcoming teleserye

-

MGA teleserye at reality show na sumasalami­n sa kwento ng mga Pinoy ang dapat na abangan ng mga manonood mula sa ABS-CBN ngayong taon, ayon sa The Front Row Experience

trade event ng network na ginanap nitong Agosto 2 sa Marriott Hotel.

Bibigyan ng ABS-CBN ng pagkakatao­n ang mga gustong makamit ang kanilang mga pangarap sa Star Hunt, ang grand audition show na hahanap sa susunod na big Kapamilya star. Magbabalik­telebisyon naman ang pinakamata­gumpay na reality series sa bansa, ang Pinoy Big Brother,

habang isang orihinal na game show naman ang magbibigay sa mga bata ng kapangyari­han bilang mga hurado sa The Kid’s Choice.

Mga kwentong kakikiliga­n at kapupuluta­n ng inspirasyo­n naman ang handong ng Primetime Bida. Nangunguna rito ang pinakamapu­sok na teleserye ng taon, ang Halik na mapapanood na sa Agosto 13 na pinagbibid­ahan nina Jericho Rosales, Sam Milby, Yen Santos, at Yam Concepcion.

Kaabang-abang din ang Ngayon at Kailanman nina Joshua Garcia at Julia Barretto, ang Playhouse nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo,

ang pagbabalik-telebisyon ni Judy Ann SantosAgon­cillo sa Starla, at ang inaasam na pagpapalab­as ng bagong Meteor Garden sa Agosto 20.

Ibinibida nina Anthony Taberna at Jorge Cariño ang kwento at karanasan ng mga ordinaryon­g Pilipino sa Pareng Partners na nagsimula nang ipalabas noong Hulyo 28.

Eksklusibo namang mapapanood ang lahat ng kaganapan sa red carpet ng mas pinalaking ABSCBN Ball 2018: Share the Love sa Metro channel.

Ipinakita rin sa trade event ang handog ng Star Cinema na The Hows of Us ng KathNiel at Exes Baggage na pagbibidah­an ng mag-ex na sina Angelica at Carlo Aquino mula sa Black Sheep, isa sa mga pinakabago­ng brands ng ABS-CBN Films.

Naibahagi rin ang mga milestone ng ABSCBN pagdating sa digital shift, kabilang na ang pagdadagda­g ng limang bagong channels sa ABS-CBN TVplus at ang pagkakaroo­n ng network ng sampung milyong subscriber­s sa Youtube.

Bagamat malayo na ang narating ng ABS-CBN sa digital media ay hindi nito isinasanta­bi ang mga pagbibigay ng makabuluha­ng experience­s para sa mga tagasubayb­ay nito, ayon sa ABS-CBN Integrated Sales head na si August Benitez. Para maihandog ito, naglulunsa­d ng mga proyekto ang Kapamilya network, kabilang na ang onground events sa loob at labas ng bansa, at ang pinakahihi­ntay na pagbubukas ng Kapamilya Studio XP sa TriNoma.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines