Balita

SK kagawad tiklo sa R2.15- M ‘shabu’, boga

- Nina BELLA GAMOTEA at FER TABOY

Nahaharap sa paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act (RA 9165) at illegal possession of firearms and ammunition ang isang kagawad ng Sanggunian­g Kabataan at kasamahan nito, makaraan silang mahuli ng Philippine National Police-Criminal Investigat­ion and Detection Group (PNP-CIDG) sa ikinasang buy-bust operation.

Nadakip dakong 8:30 ng gabi nitong Sabado ang mga suspek sa akto umano ng pagtutulak ng droga sa Pasay City.

Ayon sa CIDG-National Capital Regional Office ( CIDG- NCRO), nakilala ang mga suspek na sina Christian Joshua Leria, 20, kagawad ng Sanggunian­g Barangay sa Barangay 97, Zone 14; Cedrix Garcia, 24, kalugar ni Leria.

Narekober sa dalawang suspek ang mahigit isang kilo ng hinihinala­ng shabu at isang .38 caliber revolver.

Sinabi ng CIDG na isang linggo nilang tinutukan ang dalawang suspek matapos silang makatangga­p ng impormasyo­n na sangkot umano sa gun running at drug traffickin­g ang dalawa.

Ayon sa CIDG-NCRO, nakabili ng .38 caliber revolver ang pulisya mula sa mga suspek sa halagang P8,000, habang ang dalawang pakete ng hinihinala­ng shabu na tumitimban­g ng 1 kilo at 375 gramo at nagkakahal­aga ng P5.15 milyon, ay nakuha naman mula sa bag na dala ng mga suspek.

Nakumpiska rin umano sa dalawa ang P2,000 cash at isang timbangan.

Katwiran ni Leria, ipina-deliver lang sa kanya ang nasabing droga, at posible siyang matanggal sa SK sakaling mapatunaya­ng nagkasala.

Nag-iimbestiga na ang CIDG para matukoy ang supplier nina Leria at Garcia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines