Balita

Graft, plunder sa sinibak na NPF officials

- Genalyn D. Kabiling

Umaasa ang Malacañang sa Office of the Ombudsman para imbestigah­an at panagutin ang matataas na opisyal ng Nayong Pilipino Foundation na sangkot sa diumano’y irregular lease contract sa isang casino resort developer.

Ayon kay Presidenti­al Spokesman Harry Roque, ang mga sinibak na opisyal ng state-owned entity ay posibleng maharap sa kasong graft o plunder dahil sa pag-apruba sa “flawed’ at “grossly disadvanta­geous” lease agreement.

“Ngayon po inaasahan natin na meron ng bagong Ombudsman na kapag may ganitong desisyon po ang Presidente at alam na alam naman ng Ombudsman iyan, inaasahan po natin ang madaliang pag-imbestiga at pagsampa ng kaso laban sa kanila,” ani Roque sa isang panayam sa radyo.

“Panghabang­buhay po iyan, kasi iyan po ay graft ‘no at depende sa halaga, pupuwede pang maging plunder,” aniya, nang tanungin tungkol sa posibleng kaparusaha­n sa mga sangkot na opisyal.

Nitong Martes, sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng board at management officials ng Nayong Pilipino Foundation kaugnay ng “ridiculous” longterm lease contract sa Landing Resorts Philippine­s Developmen­t Corp. (LRPDC) para sa integrated project sa Manila Bay entertainm­ent district.

Nangyari ito kasabay ng groundbrea­king ceremony ng panukalang $1.5 bilyon NayonLandi­ng project, na iniulat na kabibilang­an ng hotels, casino, indoor theme parks, at restaurant­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines