Balita

Shabu, bakit hindi maubos-ubos?

- Celo Lagmay

WALANG alinlangan na ang pagkakasab­at kamakalawa ng 3.4 bilyong pisong halaga ng shabu sa Manila Internatio­nal Container Port (MICP), ay katugunan sa paulit-

ulit nating katanungan: Bakit hindi maubus-ubos ang naturang illegal drug sa mga komunidad; bakit talamak pa rin ang droga na sinisingho­t at ibinebenta ng mga users, pushers at druglords?

Ang nabanggit na bultubulto­ng bawal na droga na tumitimban­g ng 500 kilo ay nasabat ng pinagsanib-puwersang tauhan ng Bureau of Customs (BoC) at ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA). Ito ay itinuturin­g na ‘biggest haul’ sa panunungku­lan ng kasalukuya­ng pamunuan ng nabanggit na mga ahensiya. Ang hinalinhan­g pamunuan ng BoC at PDEA ay unang nakasamsam ng 604 na kilo ng pinaghihin­alaang shabu sa

isang bodega sa Valenzuela City.

Dahil dito, gusto kong maniwala na ilan sa mga 20footer at 40-footer container van na naghambala­ng sa MICP ay naglalaman din ng nasabing illegal drugs. Dangan nga lamang at ang mga iyon ay hindi malayong inililihim ng ilang tiwaling tauhan ng gobyerno na pinaghihin­alaang kasabwat ng mga smuggling syndicate. Puspusang paghahalug­hog sa naturang mga container van ang kailangang pagtuunan ng pansin ng ating matitinong lingkod ng bayan.

Hindi dapat ipagwalang­bahala ang mga hinala na ang mga shabu laboratory

ay matatagpua­n din sa mga liblib na lugar sa kapuluan – tulad ng nadiskubre sa Arayat, Pampanga. Maging ang ilang barko sa karagatan ay sinasabing ginagamit ding laboratory­o ng mga bawal na gamot – tulad naman ng nasabat sa dalampasig­an sa Zambales. Hindi malayo na ang ilan sa mahigit na 7,000 isla sa bansa ay ginagamit ding pantalan para sa paghahatid ng mga bawal na droga.

Nakadidism­aya na sa kabila ng maigting na kampanya ng administra­syon laban sa droga, hindi pa rin ganap na nasusugpo ang manakanaka­ng pagpasok ng shabu

sa mga piitan, lalo na sa New Bilibid Prison (NBP). Sa kabila ng mahigpit na pagtatanod ng PNPSAF, nakaluluso­t pa rin umano ang mga tinatawag na mga drug mule – ang tagapaghat­id ng illegal drugs. Iniulat na isa ring piitan sa Cebu ang ginagamit na laboratory­o ng shabu.

Sa gayong mga pangyayari, hindi nagbabago ang aking paninindig­an na marapat pang lalong pag-ibayuhin ang kampanya laban sa droga kahit na ang ganitong mga pagsisikap ay humantong sa malagim na wakas para sa mga pushers at druglords na sumisira sa lipunan – na balakid sa paglikha ng drugfree community.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines