Balita

Randy Santiago, bagong hurado sa ‘Tawag ng Tanghalan’

- Randy

T

INAWAG siyang Mr. Shades, Ratsky, at Yangku sa higit

30 taon niya sa industriya. Ngayon naman, dadagdag sa mga titulo niya ang pagiging pinakabago­ng hurado sa

“Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime.

Muling masisilaya­n ng mga manonood ang minahal nilang sikat na music at performing icon mula ‘80s at ‘90s bilang isa sa mga kikilatis sa mga pangmalaka­sang boses sa pinakamala­king singing competitio­n sa bansa sa.

Mainit na sinalubong si Randy Santiago

ng mga host ng programa at hindi rin siya nagpatalo sa kanyang astig na pagmomotor­siklo at performanc­e sa kanyang grand entrance nitong weekend.

“Magiging pantay ang pagtingin ko sa inyo,” biro pa ni Randy sa mga contestant na magpapasik­atan sa tanghalan. Bukod sa panonood, maaari na ring manalo ng cash prize na P5,000 ang mga sumusubayb­ay sa bahay kapag nahulaan nila ng tama at pinili sa pamamagita­n ng text kung sino ang magwawagi kada araw.

Para mag-register sa pinakabago­ng pakulo ng Tawag ng Tahanan, i-text lang ang TNT (space) PANGALAN, EDAD, KASARIAN, ADDRESS at i-send ito sa 2236.

Para naman pumili ng mananalo, i-text lang sa 2366 ang TNT (space) DAILY kung pambato ang daily winner, at TNT (space) DEFENDING naman kung pambato ang defending champion.

Bukod sa dalawang pasabog, ipinakita rin sa madlang people ang bagong gong na siyang aalingawng­aw kapag sintunado ang mga kalahok.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines