Balita

Angelina Jolie, gusto nang maging single sa 2019

-

N

ITONG Martes ay gumawa ng hakbang si Angelina Jolie upang maisapinal na ang pakikipagd­iborsyo niya kay Brad Pitt, na tumagal na nang halos dalawang taon.

Nagsumite ng mga papeles ang abogado ni Angelina sa Los Angeles Superior Court, kung saan nakasaad na nais ng aktres na magkaroon na ng hatol na “returning the parties to single status during calendar year 2018.”

Nakasaad din sa dokumento na “(Brad) (has) paid no meaningful child support since separation” at kahit na nagkaroon na sila ng informal arrangemen­ts, “(payments) had not been regularly sustained.”

Nagsampa ng diborsiyo si Angelina noong Setyembre 2016 matapos ng kanilang dalawang taong pagsasama bilang magasawa at 10 taong pagiging magkasinta­han. Isa sila sa mga naging pinakaglam­oroso at makapangya­rihang couple sa Hollywood. Mayroon silang anim na anak, na hinihingia­n niya ng primary custody.

Inihayag ni Mindy Nyby, kinatawan ng aktres, nitong Martes na “the court filing was intended to provide closure to the marriage in a way that clears a path toward the next stage of their lives and allows her and Brad to recommit as devoted coparents to their children.”

Hindi pa nagpapaunl­ak ng komento ang mga kinatawan ni Brad. Ayon sa isang source na pamilyar sa usapin na hindi awtorisado­ng magsalita sa publiko, “Brad is someone who fulfills his commitment­s.”

Sangkot sa divorce filing, bukod sa dahilan na pagkakaiba, ang laban sa kustodiya para sa kanilang anak, kasabay ng imbestigas­yon ng child abuse laban kay Brad, na kalaunan ay napawalang-saysay din. Samantala, hindi pa pinal ang desisyon para sa kustodiya ng mga bata.

Sinabi ng Moneyball actor sa isang panayam nitong nakaraang taon na itinigil na niya ang pag-inom, at kasalukuya­ng sumasailal­im sa therapy. Napagkasun­duan na rin umano nila ni Angelina na wakasan ang “vitriolic hatred”, upang mapag-usapan nila nang maayos ang kanilang mga isyu.

 ??  ?? Angelina
Angelina

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines