Balita

West Hollywood, gustong ipaalis ang star ni Trump

-

N

AGKAISA ang West Hollywood City Council nitong Lunes na aprubahan ang resolusyon na humihiling na alisin ang star ni US President Donald Trump sa Hollywood Walk of Fame.

Ayon sa ulat ng Huffpost, bumoto ang city officials hinggil sa usapin, ilang linggo lamang makaraang wasakin ang star ni Trump, na ipinaskil at inilagay noong 2007. Ilang beses nang na-vandalize ang naturang tourist spot mula nang mamuno si Trump, at ang pinakabago­ng insidente ang nag-udyok para pagusapan kung permanente nang tatanggali­n ang star ni Trump.

Walang kapangyari­han ang West Hollywood sa pagpapataw ng desisyon dito, ngunit hinihiling sa resolusyon na gawan ito ng hakbang ng lungsod ng Los Angeles at ng Hollywood Chamber of Commerce.

“Getting a star is a privilege; it’s not a right,” sabi ni West Hollywood Mayor Pro Tempore John D’Amico sa City Council meeting nitong Lunes. “You have no right to a star on Hollywood [Boulevard] just because you’re famous.”

Ang star ay winasak noong Hulyo ni Austin Mikel Clay, 24, na kaagad namang sumuko sa pulisya. Sinampahan siya ng kasong felony vandalism ngayong linggo, ngunit nitong Lunes, ay inihayag niya ang kanyang panig bilang depensa ng kanyang naging aksiyon.

“I think it’s important to take a stand against those we believe are fraudulent,” sabi ni Clay. “I think the Hollywood Chamber of Commerce can really take a stand against him right now by removing his star.”

Umaasa naman ang iba pang mga supporter na sana ay mapagtanto sa pagpupulon­g ang tunay na dahilan para maalis ang star ni Trump sa Hollywood Walk of Fame.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines