Balita

Kourtney Kardashian, 39, at 25-anyos na BF, break na

-

K

INUMPIRMA ng source sa Yahoo Entertainm­ent, na hiwalay na ang 39 taong gulang na Keeping Up With the Kardashian­s star na si Kourtney Kardashian at ang 25-anyos nitong model at boxer boyfriend na si Younes Bendjima, makaraan ang halos dalawang taong relasyon.

“Things have been tense recently,” sabi ng insider. “It’s not a huge surprise.” Si

Kourtney umano ang nakipaghiw­alay— at mukhang hindi mukhang broken si Younes.

Nakuhanan ng litrato ang exbf ni Kourtney sa Mexico nitong Lunes na malapit sa ibang babae. Tinukoy ng The Daily Mail ang babae na si Jordan Ozuna, isang Instagram model na unang na-link sa exboyfrien­d ni Kylie Jenner na si Tyga at kay Justin

Bieber. Nag-post si Younes ng screenshot ng isa sa mga cuddly pics sa kanyang Instagram Story at itinanggi niya ang rebound romance, “They really want me to be the bad guy … can’t have fun with your friends no more.”

Inihayag naman ni Jordan sa E! News na hindi siya ang dahilan ng breakup, at sinabing nasa birthday trip sila ng kanilang mutual friend.

“It was nothing more than friends having fun at the beach. No, we aren’t romantical­ly involved in any way, shape or form,” paliwanag ni Jordan. Gayunman, may source na nagsabi sa E! na sina Jordan at Younes ay “together alone” at “kissing all night” habang nasa club sa Cancun, Mexico. Nagkakilal­a sina Kourtney at Younes noong Oktubre 2016 sa Paris Fashion Week at mabilis na naging magkarelas­yon. Dagdag pa rito, inunfollow na nila ang isa’t isa sa Instagram.

 ??  ?? Younes at Kourtney
Younes at Kourtney

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines