Balita

Pulis na ‘shabu dealer’, utas sa buy-bust

- Nina FER TABOY at BELLA GAMOTEA

Napatay ng mga tauhan ng anti-scalawags group ng Philippine National Police (PNP) ang isang pulis na umano’y protektor at shabu dealer nang makipagbar­ilan umano ito sa buy-bust operation sa Infanta, Quezon, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Counter Intelligen­ce Task Force (CITF) chief, Senior Supt. Romeo Caramat, Jr., ang nasawi na si PO2 Ian Rey Abitona, nakatalaga sa Infanta police station.

Sa ulat ng PNP-CITF, naganap ang insidente sa Barangay Pilaway ng naturang bayan, bandang 7:45 ng umaga.

Sa imbestigas­yon ng Infanta Municipal Police Station, target sa operasyon si Abitona na nakahalata habang isinasagaw­a ang transaksiy­on laban sa kanya.

Ayon sa pulisya, biglang pinaputuka­n ni Abitona ang mga operatiba na nakigbaril­an naman sa kanya.

Matapos ang ilang minutong engkuwentr­o, bumulagta ang suspek at dead on the spot dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Caramat, bukod sa pagiging drug dealer ay protektor din umano si Abitona ng drug syndicate na nag-o-operate sa Infanta.

Sa record ng pulisya, sinabi ni Caramat na dati nang sinibak si Abitona bilang tauhan ng intel and drug enforcemen­t unit at inilipat bilang desk officer dahil sa pagkakasan­gkot umano nito sa droga.

Gayunman, natuklasan pa rin ng CITF na patuloy pa rin umano si Abitona sa ilegal na aktibidad kaya nagpasya na ang grupo na hulihin ito na nagresulta sa pagkasawi nito.

Naiulat na gumagamit umano si Abitona ng civilian assets sa pagrerecyc­le ng shabu.

Si Abitona rin umano ang nasa likod ng mga pagpatay sa ilan nitong drug asset/runner na nabigong magremit ng perang pinagbenta­han ng droga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines