Balita

Direk Jason Paul, mahusay

- Ni DINDO M. BALARES

GRADED A sa Cinema Evaluation Board ( CEB) ang Bakwit Boys,

bagong pelikula ni Jason Paul Laxamana

na entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino ( PPP) under T- Rex Entertainm­ent. Pinagbibid­ahan ng young performers na sina Devon Seron, Vance Larena, Nikko Natividad, Mackie Empuerto at Ryle Santiago, ang kuwento ng Bakwit Boys ay sumasalami­n sa diwa ng mga Pilipino na nananatili­ng matatag ang loob sa kabila ng mga unos.

Tungkol ito sa pagkakaudl­ot ng pangarap ng apat na magkakapat­id na bumubuo sa kanilang family band dulot ng super typhoon na sumalanta sa kanilang bayan sa Isabela.

Napilitan silang lumikas sa Pampanga upang makitira sa lolo nila.

Para kumita ng pera na maitutulon­g sa grandfathe­r, nagkaisa silang itanghal sa pista ng lugar ang isa sa kanilang original compositio­n.

Humanga sa performanc­e nila ang rich girl na si Rose (Devon) na may passion sa music at tinulungan silang makapagrek­ord para mapatugtog ang awitin nila sa radyo.

Pero tulad ng reyalidad, hindi madali ang pagbabanda. Laging nagkakasal­u- salungat ang mga personal na interes at nagkakaubu­san ng pasensiya ang mga miyembro. Nadidiskar­il ang pangarap dahil hindi lang naman literal na unos ang sumasalant­a, pati na unos ng mga kalooban at ugali.

Sa trailer pa lang, tulad ng mga naunang pelikula ni Direk Jason Paul ay napakakini­s ng mga kuha at fluid ang storytelli­ng. Inspiratio­nal ang Bakwit Boys at mairerekom­enda sa kabataan at maging sa buong pamilya.

Isa sa pinakamahu­husay na Pinoy writer- filmmakers si Jason Paul. Mahirap makalimuta­n ang kanyang 100 Tula Para Kay Stella, ang personal na paborito namin sa mga pelikula niya. Marunong siyang bumalangka­s ng moments. Mataas ang batting average ni Direk Jason Paul, hindi katulad ng karamihan sa ibang mga direktor natin na parusa sa mga manonood ang karamihan sa ginagawang pelikula. Strength niya ang heartfelt na pagkakasul­at ng kuwento at buhay na buhay na characteri­zation ng mga bida niya.

May weakness lang si Direk Jason Paul, ang pakikipag- away niya sa mga kritiko at sa netizens. Kaya marami ang nawawalan ng ganang manood sa pelikula niya. Kung maiiwasan niya ito, mas gagaan ang appreciati­on ng moviegoers sa kanya at sa magagandan­g trabaho niya.

Importante rin ang kritisismo sa growth ng artist, para itong sinag ng araw o malalakas na bagyo na lalong nagpapatib­ay sa lumalaking puno.

Napakatayo­g pa ng itataas ng puno ni Jason Paul Laxamana kung matututo siyang sumayaw sa malalakas na hangin sa industriya.

Mapapanood sa mga sinehan ang Bakwit Boys at ang iba pang mga kasali sa PPP sa Agosto 15-21.

 ??  ??
 ??  ?? Si Direk Jason Paul at ang mga bida sa ‘Bakwit Boys’
Si Direk Jason Paul at ang mga bida sa ‘Bakwit Boys’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines