Balita

Sharon Cuneta Network, inilunsad

- Ni REGGEE BONOAN

BILANG bahagi ng isang taong selebrasyo­n para sa ika- 40 anibersary­o sa showbiz ni Sharon Cuneta, magkakaroo­n siya ng major concert, ang My 40 Years, Sharon, na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Setyembre 28.

Inilunsad din ni Sharon ang SharonCune­taNetwork bilang opisyal na online platforms niya sa Facebook, Twitter, Instagram, at YouTube. Nagbibigay ang SharonCune­taNetwork ng eksklusibo at orihinal na content tungkol sa career ng Megastar sa pelikula, telebisyon, musika, live performanc­es, at endorsemen­ts. Gayundin ang makulay at nakaka- inspire na personal na buhay niya bilang isang ina, asawa, sister, and friend. Sa Facebook, ang bago niyang opisyal na handle ay SharonCune­taNetwork, sa Twitter ay @ SharonCune­taNet, sa Instagram ay @ SharonCune­taNetwork, at Sharon Cuneta Network naman sa YouTube.

Ang lahat ng ito ay karagdagan­g platforms na lalong palalakasi­n ang mga personal na social media accounts ni Sharon, na kinabibila­ngan ng kanyang verified Sharon Cuneta Facebook Page, na may mahigit isang milyong followers; ang kanyang @sharon_cuenta12 Twitter account na umabot din sa isang milyon ang followers; gayundin ang kanyang @reallyshar­oncuneta Instagram account, na may 631,000 followers. Lahat ng platforms sa SharonCune­taNetwork ay magdadala sa kanyang patented na pirma at magiging opisyal na online source ng lahat ng impormasyo­n at updates tungkol sa Megastar, isang bagay na tiyak na kapapanabi­kan ng napakarami­ng loyal Sharonians.

Ang platforms na ito ay magiging dahilan para lalong maipakilal­a ni Sharon ang kanyang body of works sa mga bagong henerasyon niyang tagahanga, na kinikilala siya at iniidolo bilang isa sa mga stellar judges ng toprating singing and impersonat­ion competitio­n ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar; at isa sa mga powerhouse coaches ng

The Voice Of The Philippine­s for three seasons. Kasama rin dito ang comeback movie niyang

Unexpected­ly Yours, na certified box- office; at isama pa ang pagiging high-profile endorser niya ng malalaking brands, tulad ng McDonald’s, Petron, at Magnolia Chicken 3- Way. Ang unang handog ng SharonCune­taNetwork ay ang oneof-a-kind webisodes na magpapakit­a ng iba’t ibang aspeto ng career at personal na buhay ni Sharon.

Kasama ito sa kapana- panabik na paglalakba­y patungo sa landmark event na

My 40 Years, Sharon na itinuturin­g na isa sa mga pinakahihi­ntay at pinaka-engrandeng musical events ng taon, with her guest Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma, Regine Velasquez, Martin Nievera, Basil Valdez, at Gary Valenciano. Sina Louie Ocampo, Mell Villena, at Ryan Cayabyab naman ang musical directors. Ang My 40 Years, Sharon ay presented ng San Miguel Corporatio­n, sa pakikipagt­ulungan ng Petron, Magnolia Chicken 3- Way, Philippine Airlines, McDonald’s at The Aivee Group. Ang media partners ay The

Philippine Star, Business World, People’s Journal, at People’s Tonight at suportado rin ng Fernando’s Bakery at Leylam Philippine­s. I-like ang SharonCune­taNetwork sa Facebook, sundan ang @SharonCune­taNet sa Twitter, sundan ang @ SharonCune­taNetwork sa Instagram, at mag- subscribe sa Sharon Cuneta Network sa YouTube. Para sa mga tickets sa My 40 Years, Sharon tumawag sa 552-7473, 815-1953, at sa TicketNet sa 911-5555 o bisitahin angwww.ticketnet.com. ph.

 ??  ??
 ??  ?? Sharon
Sharon

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines