Balita

R12.6- M shabu nasamsam sa buy-bust

- Nina KATE LOUISE JAVIER at ORLY L. BARCALA

Tinatayang aabot sa P12.6 milyong halaga ng hinihinala­ng shabu ang nasamsam sa anim na drug suspects, kabilang magkapatid, sa hiwalay sa operasyon sa Tondo, Maynila at Caloocan, kahapon ng madaling araw.

Unang napasakama­y ng mga tauhan ng Northern Police District Drug Enforcemen­t Unit (NPDDDEU) sina Girlie Lopez, 38; at Leah Carpio, 34, kapwa taga-Tondo, Maynila.

Nagsagawa ng buy-bust operations ang grupo ni Senior Insp. Cecilio Tomas laban sa dalawa, sa loob ng bahay ni Lopez sa Antipolo Street, dakong 2:00 ng madaling araw.

Nag-ugat ang operasyon sa informant na nag-ulat hinggil sa pagkakasan­gkot ng mga suspek sa illegal drug trade, ayon kay NPD district Chief Supt. Gregorio Lim.

Kilalang tulak ng droga sina Lopez at Carpio, na umano’y nagsusuppl­y sa Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela, ayon kay Lim.

Sa gitna ng transaksiy­on, isang undercover cop ang inulat na nakabili ng 50 gramo ng umano’y shabu, sa halagang P5,000, mula sa mga suspek.

Ayon sa awtoridad, nakarekobe­r sila ng 19 na pakete ng hinihinala­ng shabu, na may bigat na 950 gramo at nagkakahal­aga ng P6,500,000 mula sa mga suspek.

Makalipas ang isang oras, nagsagawa rin ng buy-bust operation laban sa apat na iba pa na umano’y kasabwat nina Lopez at Garcia.

Kinilala ang mga ito na sina Lowie Lopez, 37; Reynaldo Lusterio, 30; at magkapatid na Peter Mamangon, 31; at Philip Mamangon, 34.

Inaresto ang apat sa Barangay 160, Libis Baesa, Caloocan sa pagtatangk­a umanong bentahan ng P5,000 halaga ng shabu ang isang police poseur-buyer.

Narekober din sa pinangyari­han ang anim na pakete ng hinihinala­ng shabu, na may bigat na 850 gramo at nagkakahal­aga ng P6,150,000.

Ayon kay Lim, hindi kabilang ang mgas suspek sa drug watchlist at walang criminal records.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines