Balita

Away sa PDP-Laban, ‘di maresolba

- Vanne Elaine P. Terrazola, Argyll Cyrus B. Geducos, at Leonel M. Abasola

Ayaw isuko ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III ang kanyang posisyon sa Partido Demokratik­o ng Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) kay Atty. Rogelio Garcia, dahil kailangang paghirapan muna ito ng huli.

Nilinaw kahapon ni Pimentel, presidente ng PDP-Laban, na bagamat hindi siya kapit-tuko sa posisyon sa partidong kinabibila­ngan ni Pangulong Duterte, naniniwala siyang hindi karapat-dapat si Garcia para pumalit sa kanya.

Nakipagpul­ong nitong Huwebes ng gabi si Pimentel at ang iba pang opisyal ng PDP-Laban kay Pangulong Duterte, chairman ng partido, at sa paksiyong pinamumunu­an ni Garcia, na una nang inihalal bilang presidente ng partido sa isang assembly noong nakaraang buwan bilang kapalit ni Pimentel.

Kasunod nito, nagsagawa naman ng mass oathtaking ang paksiyon nina Pimentel at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, habang plano ni Pimentel na magsampa ng kaso sa mga may pakana ng aniya’y ilegal na asembliya.

Sa kabila ng pamamagita­n ng Pangulo, hindi pa rin niya nagawang mapagkasun­do ang magkakalab­ang paksiyon ng partido, kaya nagtakda ng panibagong pulong sa Setyembre 1.

“‘Di naman ako kapit tuko sa position at titulo. Pero bakit ba siya ang kakain sa itinanim inani linuto at hinanda namin? Bakit siya?” saad sa text message ni Pimentel sa media, tinukoy si Garcia. “Kung ang kakain ay kasama naming naghirap sa pagpapalak­i ng partido ay wala tayong masasabi d’yan. ‘Wag naman ‘yung short cut at jackpot agad. Magbanat din po ng buto.”

Sinabi ni Pimentel na hindi kailangang makipagkas­undo sila sa grupo ni Garcia dahil “no one recognizes them except themselves.”

Kinumpirma kahapon ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque ang pulong at ang pagtatakda ng isa pa sa susunod na buwan.

“Ang sabi po ni Presidente mag-usapusap sila, usap-usap lahat, at pagkatapos, I think sa Setyembre magpupulon­g uli,” ani Roque. “Tapos kung talagang hindi kakayaning magkasundo ay puwede naman pong maghiwa-hiwalay.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines