Balita

Everything is good naman –Palasyo

- Ni GENALYN D. KABILING

Maayos at kontrolado ng gobyerno ang lahat, idineklara ng Malacañang kahapon kahit na naging pinakamaba­gal sa loob ng tatlong taon ang paglago ng ekonomiya nitong nakaraang quarter.

Tiniyak ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque sa publiko na walang dapat ikabahala tungkol sa 6 na porsiyento­ng economic growth sa second quarter ng 2018, na aniya ay mataas pa rin.

“Everything is good naman po. Siguro hindi makakamit ang mga targets na nais nating makamit, pero iyong mga targets naman po natin ay sadyang napakatata­as na mga targets,” ani Roque sa panayam sa radyo.

“Everything is under control. Everything is a go,” idinugtong niya.

Batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority, lumago ang ekonomiya ng 6% sa second quarter ng taon, kinapos sa 7-8% target ng gobyerno. Mas mababa ito sa 6.6% ng first quarter.

Binanggit ni Socioecono­mic Planning Secretary Ernesto Pernia, na isa sa mga dahilan ng pagbagal ng ekonomiya ang policy decisions ni Pangulong Rodrigo Duterte kabilang ang pansamanta­lang pagpapasar­a sa sikat na tourist destinatio­n ng Boracay para sa rehabilita­syon.

Ang istriktong regulasyon sa sektor ng pagmimina, kabilang pagpapasar­a sa mining pits, ay iniulat na nakaapekto rin sa productivi­ty ng industriya.

Dinepensah­an ni Roque ang mga polisiya ng Pangulo na iprayorida­d ang pangangala­ga sa kapaligira­n.

“If GDP (Gross Dometic Product) will further fall because of the desire of the President to protect the environmen­t, so be it. We’re investing in the future and not just in the present,” aniya.

Sa kanyang pahayag kahapon, iginiit ni Roque na ang second quarter growth rate ay napakataas pa rin kung ikokonside­ra na iilang world economies ang nakapagtal­a ng mataas na paglago.

“Six percent po ay napakataas pa rin, wala pong dapat ikabahala,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines