Balita

Bawas budget sa DoE ‘di maganda

- Bert De Guzman Magsasaka tulungan Leonel M. Abasola

Nababahala ang mga miyembro ng House Committee on Appropriat­ions sa pagbawas sa budget ng Department of Energy (DoE) sa 2019 dahil makaaapekt­o ito sa electrific­ation program ng ahensiya.

Sa pagdinig nitong Martes sa hinihingin­g budget ng DoE na P2.04 bilyon para sa 2019, sinabi ni Committee Chairman Rep. Karlo Alexei Nograles (1st District, Davao City) na sa simula pa lang ng pagdinig, hindi na siya sang-ayon sa budget cuts na nangyayari sa iba’t ibang departamen­to.

“These budget reductions will hurt the delivery of services by concerned agencies such as the DoE,” ani Nograles.

Ang panukalang budget ng DoE ay mas mababa ng P621.68M o 23 porsiyento sa 2018 allocation ng departamen­to ahensiya na P2.65 billion.

Dapat tulungan ng pamahalaan ang mga magsasaka para lumakas ang kanilang kita bilang pangmataga­lang solusyon sa mataas na presyo ng mga biliihin.

Ayon kay Sen. Francis Pangilinan, ang pagbaba ng taripa sa pag-angkat ng bigas ay panandalia­ng solusyon lamang. Ang kailangan ay lumakas ang produksiyo­n ng mga magsasaka.

“Hindi talaga tayo sufficient at this time. And, rice sufficienc­y is, again, a function of support for your farmers to be able to yield more, produce at less cost and yielding more. So, pagka-tinarify mo yung bigas... dapat mabalik sa mga support services for our farmers, so that they are able to produce more,” paliwanag ni Pangilinan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines