Balita

2 Pasay cops ginawaran ng medalya

- Martin A. Sadongdong

Pinarangal­an ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde ang dalawang pulis na nakaligtas laban sa mag-amang drug suspect sa Pasay City.

Personal na iginawad ni Albayalde ang Medalyang Sugatang Magiting kina Police Officer 3 Christina Villanueva at PO1 Arma Canezares sa Manila Sanitarium kung saan sila nagpapagal­ing, ayon sa pahayag ng PNP nitong Huwebes.

Ang dalawang pulis ay kapwa nakatalaga sa Malibay Police Community Precinct sa Pasay City.

Sina PO3 Villanueva at PO1 Canezares ay nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan matapos makaengkuw­entro sina Edgardo Samson, 50; at anak nitong si Mark Vincent, 25, sa operasyon sa E. Cornejo Street, Malibay, Pasay, dakong 8:30 ng gabi nitong Miyerkules.

Bumulagta si Edgardo habang si Mark Vincent ay naaresto sa nasabing operasyon.

Base sa report, nagsasagaw­a ng Oplan Sita at Oplan Galugad sina PO3 Villanueva at PO1 Canezares sa F. De Guzman Street nang mamataan si Edgardo, na may nakasukbit na baril sa bewang.

Nilapitan ng mga pulis si Edgardo at hiningan ng kaukulang dokumento para sa kanyang baril, ayon sa pulis, ngunit biglang pinaputuka­n ng suspek ang awtoridad.

Tinamaan ng bala si PO3 Villanueva sa balikat at tuhod habang si PO1 Canezares ay sa balakang.

Samantala, tinangka namang agawin ni Mark Vincent ang baril ni PO3 Villanueva ngunit siya ay binaril ng huli sa tuhod.

Kumaripas naman ang kanyang ama sa E. Cornejo Street, ngunit nakahingi ng back-up ang mgas sugatang pulis.

Sa follow up operation, natunton ng mga tauhan ng Malibay Police Community Precinct si Edgardo bago umano ito makapagpas­abog ng bomba. Ilang minutong nagkapalit­an ng bala hanggang sa bumulagta si Edgardo.

Pinapuriha­n ni Albayalde ang katapangan ng dalawang pulis.

Narekober sa mga suspek ang isang 12-gauge improvised shotgun, isang granada, at siyam na pakete ng hinihinala­ng shabu.

Idiniretso si Mark Vincent sa Pasay City Police at sinampahan ng kaukulang kaso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines