Balita

Dayong tulak tigok, 3 parokyano pinosasan

- Orly L. Barcala

Isa ang patay habang tatlo ang inaresto sa buy-bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Valenzuela City Medical Center ang suspek na kinilala sa mga alyas na Boyet at Toto, na umano’y dayo sa lugar.

Arestado naman ang umano’y mga parokyano nito na sina Edmar Guerrero, 41, ng T. Santiago Street, Viente Reales; Andew Dela Cruz, 38, ng No. 176 Pagibig St., Barangay Lingunan; at Ruben Cervantes, 39, ng T. Santiago St., ng nasabing lungsod.

Una rito, mahigit isang linggo isinailali­m sa under surveillan­ce ng mga tauhan ni Police Chief Insp. Jessie Misal, head ng Station Intelligen­ce Branch (SIB), si Boyet o Toto dahil dumadayo pa ito para magtulak ng ilegal na droga.

Matapos makumpirma na lumutang uli sa lugar ang suspek, ikinasa ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU), Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) at SIB ang buy-bust operation, bandang 2:00 ng hapon.

Ikinasa ang operasyon sa Canumay-Viente Reales Bypass road, at si PO1 Colleen Primo ang nagsilbing poseur buyer ng P500 halaga ng shabu.

Nang iabot ng suspek ang droga sa pulis, agad itong inaresto ngunit bumunot ng baril at pinaputuka­n ang awtoridad.

Dahil nanganib ang buhay, pinaputuka­n ng mga pulis si Boyet at ito ay bumulagta.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines