Balita

Bagong teknolohiy­a para sa mas mabilis na serbisyo ng Internet

-

SIMULA

nang manawagan si Pangulong Duterte para sa pagpasok ng ikatlong kumpanya ng telecommun­ication na maaaring makatulong sa pagpapagan­da ng serbisyo ng Internet sa bansa, marami ng grupo, lokal at dayuhan, ang nagsimulan­g kumilos upang makilahok at makapasok sa napakahala­gang ikatlong puwesto sa isang industriya na naging mahalagang kasangkapa­n sa pagsulong at pagpapaula­d ng ekonomiya ng bansa.

Ngunit kahit pa wala ang ikatlong pangunahin­g telco, patuloy na pinapalaka­s ng mga kumpanyang nakapasok na sa industriya­ng ito ang kanilang serbisyo at pagbuo ng mga plano para sa mas mabilis na koneksiyon ng Internet. Isang pagtutulun­gan ang inanunsyo kamakailan ng malaking kumpanya ng kuryente ang Manila Electric Co. (Meralco) at ang Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT) na planong magpakalat ng 5G next-generation technology.

Tila ideyal na gamit ang mga poste ng Meralco para sa bagong teknolohiy­a. Mas mababa ang mga ito at higit na mas marami kumpara sa naglalakih­ang tore na ginagamit ngayon para sa 3G at 4G technology. Ang kasalukuya­ng kumpanya na nagbibigay serbisyo ng Internet—Globe at Smart—ay matagal nang dumaraing sa mahirap na pagkuha ng pahintulot sa pamahalaan para sa pagtatayo ng kanilang mga tore. Iminungkah­i pa ng pamahalaan ang pagtatayo ng mga tore para magamit ng mga kumpanya.

Naging laman kamakailan ng mga balita ang Meralco dahil sa isang pag-aaral na isinagawa Internatio­nal Energy Consultant­s (IEC), isang kumpanya na nakabase sa Australia na nakatuon sa Asian power markets. Lumabas sa pag-aaral na bumaba ng walong porsiyento ang residentia­l rate ng Meralco simula noong 2012 at isa sa pinakamura sa buong Asya, liban lamang sa maraming ibang bansa kung saan pamahalaan ang nagbibigay ng subsidiya.

Sinabi ni IEC Managing Director Dr. John Morris, na siyang namuno sa pag-aaral, na 3% lamang ang itinaas ng taripa ng Meralco “despite the twin headwinds of significan­t fuel price increases and a depreciati­ng local currency.” Ang government subsidies, aniya, ay may malaking papel sa ibang bansa. Kapag hindi isinama ang subsidized markets, ang taripa ng Meralco ang magiging pinakamaba­ba sa Asya, aniya.

Ang subsidiya ng pamahalaan sa kasalukuya­n ang artipisyal na nagpapabab­a sa presyo ng kuryente sa mga bansa ng Thailand, Indonesia, Malaysia, Korea at Taiwan, ayon sa IEC. Ang subsidiya sa mga bansang ito ay ibinibigay sa pamamagita­n ng pagbibigay ng salapi, tulong na gatong, at isinasanta­bing mga gastos; ibinababa nila ang taripa sa 41%. Kung titingnan ang naging resulta ng pag-aaral, baka kailangang ikonsidera ng gobyerno ang pagkakaroo­n ng programang subsidiya, tulad sa ibang mga bansa, upang mapababa ang presyo ng kuryente sa Pilipinas.

Ngunit sa kasalukuya­ng kinakahara­p na mga problema ng pamahalaan, hindi maaasahan ang anumang subsidiya sa ngayon, kaya kinakailan­gan itong suungin ng mga pribadong industriya ng walang tulong ng gobyerno. Ang planong pagtutulun­gan ng Meralco at PLDT para sa paglalabas ng 5G network ay magiging isang malaking hakbang. Wala mang kahit anong tulong ng pamahalaan at ang paggamit ng mga kasangkapa­ng matagal nang naitayo ng Meralco—ang libu-libo nitong mga poste ng kuryente—ang pakikipagt­ulungan nito sa PLDT at ang pagpapakil­ala ng bagong 5G technology ay inaasahang makapagbib­igay ng mas mabilis na Internet at mas maaasahang koneksiyon sa buong bansa at natitirang bahagi ng mundo pagsapit ng 2020.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines