Balita

La Trinidad kinilalang ‘top municipal police station’ ng bansa

- PNA

KINILALA

ng Philippine National Police (PNP) ang La Trinidad municipal police station (LTMPS) bilang ‘top municipal police station’ sa buong bansa, kamakailan.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang naggawad ng parangal na tinanggap ni LTMPS chief of police Chief Insp. Benson Macli-ing.

Para kay Macli-ing, ang nakamit nilang karangalan ay tanda ng pagkilala sa kahalagaha­n ng gawain na kanilang isinulong para sa pagpapanat­ili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupa­n.

“The ordinance on clustered neighborho­od watch is now on second reading (at the City Council),” aniya. Ang mungkahing ordinansa ay daan sa pakikipagt­ulungan ng komunidad sa pag-uulat ng mga krimen at pag-iwas dito.

Ipinaliwan­ag din ni Magcli-ing na ang konsepto ng crime prevention ay “triangulat­ed,” kung saan nagtutulun­gan ang komunidad, lokal na pamahalaan at ang pulisya.

Noong 2017, nakapagtal­a ang La Trinidad ng 230 kaso ng krimen, mahigit kalahati ang ibinaba nito mula sa 574 kaso noong 2016.

“This is the first time La Trinidad was recognized by the national headquarte­rs of the PNP and we are also proud that we have been recognized by the regional office in terms of accomplish­ment. This award is not for me and the PNP, but for the community of La Trinidad, who participat­es in the peace and order programs and campaigns, as well as in solving crimes,” pagbabahag­i ni Macli-ing.

Samantala nitong Hulyo 30, kinilala rin ang Baguio City Police Office (BCPO) bilang ‘Best City Police Station’ sa buong bansa sa Police Community Relations (PCR) activities.

Ang PCR activities ay malaking ambag umano sa pangkalaha­tang kapayapaan at pagsusulon­g ng kaunlaran sa lungsod gayundin sa bansa na daan para sa mas malapit na ugnayan ng PNP at mga mamamayan.

Umaasa ang pulisya sa pakikipagt­ulungan ng komunidad sa pangangala­p ng impormasyo­n hinggil sa mga krimen nagaganap sa kanilang lugar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines