Balita

Pamilya at pangarap sa ‘Bakwit Boys’

- Ni NORA V. CALDERON

IT seems magaganda ang walong pelikulang official entries sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP). At mostly ay family drama ang story, tulad nitong Bakwit Boys, isang heartwarmi­ng musical movie na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Ang pelikula ay written and directed by blockbuste­r director Jason Paul Laxamana, and produced by T-Rex Entertainm­ent Production­s, na kilala na rin sa mga blockbuste­r movies na nagawa nila.

Muling ginamit ni Direk Jason na location ang mga magagandan­g lugar nila sa Pampanga, tulad din ng mga nauna niyang ginawang pelikula. Napagsama-sama niya ang kanyang cast sa pamamagita­n ng audition, pero hindi kailangang lahat sila ay mahuhusay kumanta.

Kabilang sa cast ang rising actress na si Devon Seron, ang stage heartthrob na si Vance Larena, ang noontime TV idols na sina Ryle Santiago and Nikko Natividad, at ang singing champion na si Mackie Empuerto.

Ang pelikula ay tungkol sa four brothers at ang dream nilang sumikat sa pagkanta.

Ang magkakapat­id ay mula sa Isabela, pero nang dumaan ang isang malakas na bagyo sa kanilang lugar, napilitan silang lumikas sa Pampanga sa lolo nila. Dito sila bumuo ng mga kanta at para kumita nag-perform sila sa town fiesta. Doon sila narinig kumanta ni Rose (Devon), a rich city girl na mahilig sa music at nag-offer ng tulong sa Bakwit Boys para mairecord ang songs at marinig i-play sa radio at makilala sila.

“Na-inspire ako sa story at sa mga kanta,” sabi ni Devon. “Nakakaiyak, kaya eager akong gawin nang i-offer sa akin.”

“Ang movie ay tribute namin sa mga hardworkin­g people in the music industry,” sabi ni Ryle. “Sa akin, songs express the sentiments of the youth.”

Kay Vance naman, kapag napanood daw ang movie, the viewers will truly identify with the struggles of the brothers to stick together para magtagumpa­y. “Alam ko, maraming makaka-relate na mga kabataang tulad namin kapag napanood nila ang movie.”

At si Direk Jason Paul: “Ang Bakwit Boys po ay tungkol sa family, sa mga underdogs and about dreamers. Sana po, kapag napanood ninyo ang movie, marinig din naming kumakanta kayo, and crying tears of joy – until the credits roll and until you step out of the cinema.”

Kasama pa rin sa cast sina Alma Concepcion, Nanding Josef, Jeric Raval, Michael ‘Eagle’ Riggs, with the special participat­ion by

Sebastian Castro, Cai Cortez, Kiray Celis and

Albie Casino.

Magsisimul­a ang PPP 2018 sa August 15 to 21, in cinemas nationwide.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines