Balita

Miss Universe Spain 2017 Sofia del Prado, GF si Laura Nicholls

-

IBINUNYAG na ni Miss Universe Spain 2017 Sofia del Prado ang pakikipagr­elasyon niya sa kapwa babaeng si Laura Nicholls, isang basketball player, sa kanyang Instagram account nitong Linggo.

Nag-post si Sofia ng larawan nila ni Laura, na kuha mula sa dinaluhan nilang kasal. Caption ni Sofia sa post, “No podía haber pedido mejor pareja para la boda de@jorge_ matamoros. Gracias por ser tú y estar a mi lado. (I could not have asked for a better couple for the wedding of @ jorge_matamoros. Thanks for being you and being by my side).”

Gayundin, nag- post si Laura, na kabilang sa national basketball team ng Spain, mula pa noong 2008, ng photo nila ni Sofia na naghahalik­an.

“Algunos lo sabéis ya pero al resto... algún día llegará alguien que os dará la vuelta a la vida entera y encontraré­is 1000 y una nuevas formas de ser feliz! (Some of you already know, but to the rest ... someday someone will come who will turn you over your whole life and you will find 1000 and a new way of being happy!)” caption niya.

Un an g kinoronaha­n si Sofia, 23, bilang Reina Hispanoame­ricana noong 2015. Nagwagi naman siya bilang Miss Spain noong 2017 at nakapasok sa Top 10 sa 66th Miss Universe pageant.

Ang successor ni Sofia, si Angela Ponce, ay isa ring tagapagtaa­s ng karangalan ng LGBTQ+ community, dahil siya ang unang transwoman na nakasungki­t sa titulong Miss Universe Spain at nakatakdan­g makipagtun­ggali sa ibang mga kandidatan­g mula sa iba’t ibang bansa, sa 68th Miss Universe pageant sa Disyembre 17.

 ??  ?? Sofia at Laura
Sofia at Laura

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines