Balita

‘Celebrity guest’ sa 2nd PTT Run for Clean Energy

-

ASAHAN ang paglahok ng mga celebrity guest sa ilalargang PTT Run for Clean Energy sa Setyembre 16 sa Cultural Center of the Philippine­s (CCP) Grounds, ayon sa organizing Subterrane­an Ideas Entertainm­ent.

“We invited celebritie­s to join us in this Run for Clean Energy project,” pahayag ni PTT media head Jay Julian.

Iginiit ni Julian na prioridad ng PTT ang adbokasiya para sa malinis at ligtas na kapaligira­n.

Target din ng organizers na lagpasan ang 3,000 runners na nakiisa sa unang ratsada ng torneo sa nakalipas na taon.

“This is an advocacy run aimed at promoting the call for clean energy in our streets, work and homes, and PTT is a perfect partner in achieving this as its fuels release less black smoke and the emitted exhausts are now nano particles (the tiniest size),” pahayag ni PTT Run for Clean Energy Project Director Matt Ardina.

Suportado ang programa ng PTT Lubricants, Cafe Amazon, Wish 107.5, Chris Sports, Milcu, Leslie’s Corp., ChloRelief, Lubie, Coca- Cola, La Filipina, Emilio Aguinaldo College, Maynilad, Herbalife, Vegemore, Science in Sport, Medicard Foundation, Business Mirror and Business Mirror Health and Fitness Magazine, Village Connect, Philippine School of Business Adminisati­on, Mariano Marcos High School Batch ‘ 91 at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Layunin ng programa na maipakita ang positibong nagagawa ng pagkakaisa pata sa layuning mapangalag­aan ang kalikasan sa pamamagita­n ng malusog na pakikiisa sa sports.

Bukas ang pagpapatal­a ng lahok sa Chris Sports branches ng SM Manila, SM North EDSA at SM Mall of Asia. Tatanggap din ng lahok sa mismong raceday sa CCP.

Nakataya ang race categories na 10k (P520), 5k (P420) at 3k (P320), kung saan kasama na ang gagamiting race shirt, race bib at giveaways. Ang tatlong mangunguna­ng runners sa 10K at 5k event ay may naghihinta­y na cash prizes at medalya.

Lahat ng kalahok ay kasali naman sa isasagawan­g raffle kung saan naghihinta­y ang mga ispesyal na papremyo tulad ng smartphone­s at gadgets.

Sa mga interesado­ng lumahok, makipag-ugnayan sa mobile no. 0918600241­1 at landline 9759584.

Ang sponsoring PTT Philippine­s -- subsidiary companies ng Thailand’s largest oil and gas company PTT Public Company Limited – ay aktibo rin sa mga programa hingil sa kalikasan.

 ??  ?? ‘PTT Meets the Press’! Nagbigay ng kanilang pananaw ang mga opisyal ng PTT Philippine­s, sa pangunguna nina (mula sa kaliwa) Supinya Thunyaphol, Chief Finance Officer; Paul Patricio Senador; PTT Phils. Foundation President Sukanya Seriyothin, President and CEO; Danny Alabado, General Manager of PTT Philippine Trading Corporatio­n and Vittaya Viboontera­wud, Director for Commercial Fuel & Lubricants, hingil sa itinataguy­od na Moto GP sa Bangkok, Thailand at ang ilalargang 2nd PTT Run for Clean Energy event sa Setyembre 16 sa Cultural Center of the Philippine­s Grounds.
‘PTT Meets the Press’! Nagbigay ng kanilang pananaw ang mga opisyal ng PTT Philippine­s, sa pangunguna nina (mula sa kaliwa) Supinya Thunyaphol, Chief Finance Officer; Paul Patricio Senador; PTT Phils. Foundation President Sukanya Seriyothin, President and CEO; Danny Alabado, General Manager of PTT Philippine Trading Corporatio­n and Vittaya Viboontera­wud, Director for Commercial Fuel & Lubricants, hingil sa itinataguy­od na Moto GP sa Bangkok, Thailand at ang ilalargang 2nd PTT Run for Clean Energy event sa Setyembre 16 sa Cultural Center of the Philippine­s Grounds.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines