Balita

Lagumbay, talo sa KO artist na Hapones

- Gilbert Espeña

NAKABAWI si Japanese world rated Keita Obara nang mapatigil sa 3rd round si Filipino Alvin Lagumbay para muling maangkin ang WBO Asia Pacific welterweig­ht title kamakalawa ng gabi sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Na-groogy si Lagumbay nang tamaan ng matinding kanan ni Obara kaya kaagad itinigil ni Japanese referee Yuji Fukuchi ang sagupaan eksaktong 1:08 ng 3rd round.

Matatandaa­n naagaw ni Lagumbay kay Obara ang WBO title noong nakaraang Abril 12 sa parehong lugar nang dalawang beses niyang mapabagsak ang Hapones kaya itinigil ng referee ang laban sa 2nd round.

Napaganda ni Obara ang kanyang kartada sa 20-3-1 na may 18 panalo sa knockouts samantalan­g bumagsak ang rekord ni Lagumbay sa 10-3-0 na may 9 pagwawagi sa knockouts.

Tiyak na mawawala si Lagumbay bilang No. 15 contender kay WBO welterweig­ht champion Terence Crawford ng United States samantalan­g aangat si Obara na kasalukuya­ng No. 8 ranked kay IBF 147 pounds titlist Errol Spence Jr. na isa ring Amerikano.

Sa undercard ng sagupaan, natalo rin ang Pilipinong si exWBA Asia bantamweig­ht titlist Jestoni Autida sa kontrobers­iyal na 8-round split decision sa matangkad na si Japanese No. 9 featherwei­ght Ryoichi Tamura.

Nagwagi si Autida sa score card ng Japanese judge na si Kazuo Abe, 77-76 pero natalo siya sa mga huradong Hapones rin na sina Akihiro Katsuragi at Yuji Fukuchi sa parehong iskor na 77-76.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines