Balita

PRESINTO NI-RAID

2 pulis-Samar sugatan, mga armas natangay ng NPA

- Nina MARIE TONETTE GRACE MARTICIO At FER TABOY

LAPINIG, Northern Samar - Dalawang miyembro ng Lapinig Municipal Police Station (LMPS) sa Northern Samar ang nasugatan nang salakayin ng tinatayang aabot sa 100 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang kanilang police station, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng Northern Samar Police Provincial Office (NSPPO) ang mga sugatan na sina PO2 Gerry Quilecol at PO1 Edison Aguirre, kapwa nakatalaga sa LMPS.

Sa ulat, naganap ang insidente sa nabanggit na himpilan ng pulisya, dakong 1:44 ng madaling araw.

Dumating sa naturang lugar ang mga rebelde, pinangunah­an ng isang “Mar- mar”, sakay sa dalawang elf dump truck at mga motorsiklo at pawang armado ng high-powered firearms na Uzi, M14, M16, M203, at K3 submachine guns.

Pinaulanan umano ng mga ito ang naturang himpilan ng pulisya, ngunit gumanti sa kanila ang pitong pulis na nakaduty nang maganap ang insidente.

Tumagal ng 30 minuto ang sagupaan na nagresulta sa pagkakasug­at nina Qulecol at Aguirre.

Tinangay ng mga rebelde ang 10 M16, 2 glock at isang barreta pistols, isang laptop at isang USB flash na pagaari ng hepe ng LMPS na si Insp. Noli Montibon.

Tumakas ang mga ito patungong Arteche, Eastern Samar.

Sinabi naman ng awtoridad na natagpuan na nila sina Montibon at PO2 Mark Mejedo na nauna nang iniulat na nawawala matapos ang insidente.

Nagsasagaw­a ng masusing imbestigas­yon kaugnay ng insidente, ayon kay Police Regional Office 8 (PRO-8) informatio­n officer, Supt. Bella Rentuaya. “Hot pursuit operation is ongoing by the Regional Moblie Force Battalion (RMFB) and Provincial Mobile Force Company (PMFC) in coordinati­on with the army counterpar­ts in the area. We also alerted all police stations to continuous­ly conduct target hardening measures and establish checkpoint­s in all entrance and exit in their respective areas of responsibi­lity,” sabi pa nito.

 ??  ?? NAGLALAKIH­ANG BASYO Iniinspeks­iyon ng tauhan ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency ang apat na cylindrica­l container na ginamit sa pagpapasok ng ilegal na droga sa bansa, makaraang madiskubre sa isang bodega sa GMA, Cavite, nitong Miyerkules. Wala nang laman ang nasabing mga lalagyan, bagamat nakatukoy ang mga K9 dog ng mga bakas ng droga sa loob ng nasabing mga container.
ALI VICOY
NAGLALAKIH­ANG BASYO Iniinspeks­iyon ng tauhan ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency ang apat na cylindrica­l container na ginamit sa pagpapasok ng ilegal na droga sa bansa, makaraang madiskubre sa isang bodega sa GMA, Cavite, nitong Miyerkules. Wala nang laman ang nasabing mga lalagyan, bagamat nakatukoy ang mga K9 dog ng mga bakas ng droga sa loob ng nasabing mga container. ALI VICOY

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines