Balita

Contest sa waste management at paghahalam­an sa mga barangay sa Binangonan

- Clemen Bautista

NAGLUNSAD ang pamahalaan­g bayan ng Binangonan ngayong buwan ng Agosto ng contest o paligsahan sa waste management at

paghahalam­an sa mga barangay sa mainland ng Binangonan. Ayon kay Binangonan Mayor Cesar Ynares, ang inilunsad na paligsahan ay tinawag na “Inter-Barangay Contest on Waste Management and Gardening”. Pangunahin­g layunin ng paligsahan na magkaroon pa ng malawak na kaalaman at kamalayan ang mga naniniraha­n sa mga barangay tungkol sa maayos na pagtatapon ng basura at sa paghahalam­an.

Ang nasabing paligsahan ay kaugnay ng patuloy na suporta sa YES (Ynares Eco System) To Green Program, flagship project ni Rizal Governor Nini Ynares na inilunad ng pamahalaan­g panlalawig­an ng Rizal. Ang paligsahan sa waste management ay nasa pangangasi­wa ng Municipal Agricultur­e Office ng Binangonan at sa pakikipagt­ulungan ng Provincial Agricultur­e Office ng

lalawigan ng Rizal.

Sa waste segregatio­n, ang municipal agricultur­e office ng Binangonan ay may mga ibinigay na patakaran na dapat sundin at gawin, tungo sa maayos na waste segregatio­n o paghihiwal­ay ng mga basura, sa bawat barangay at maging sa gardening o pagtatanim ng mga gulay. Ang mga gulay ay itatanim sa likod-bahay, sa mga bakuran at bakanteng lote sa barangay. Kung walang lugar na pagtatanim­an ng mga gulay, ang mga nakatira sa barangay ay maaaring magtanim ng gulay sa paso, sa mga basyo ng lata ng sardinas, karne norte at gatas, pati na rin sa mga sirang baldeng plastik.

Ang mga binhi ng mga gulay na itatanim ay libreng ibinibigay ng Municipal Agricultur­e Office ng Binagonan. Ang mga binhi ng gulay

ay okra, pechay, mustasa, kalabasa, patola, sitaw at iba pang gulay na binabanggi­t sa awiting bayan na Bahay Kubo.

Ang waste management sa mga barangay at ang paghahalam­an ay buwan-buwang pupuntahan ng mga tauhan ng Municipal Agricultur­e Office, kasama ang mga hurado sa inilunsad na paligsahan. Layunin ng proyekto na matiyak kung maayos at nasusunod ang mga patakarang kanilang inilunsad.

Ang “Inter-Barangay Waste Management and Garening Contest” sa Binangonan ay matatapos sa Nobyembre. Ihahayag ang mga nagwagi sa paligsahan at ipagkakalo­ob ang gantimpala sa mga nanalong barangay sa isang simpleng programa. Ang pagkakaloo­b ng gantimpala sa mga nagwagi ay pangunguna­han ni

Binangonan Mayor Cesar Ynares, ng mga miyembro ng Sanggunian Bayan at ng mga namamahala sa Municipal Agricultur­e Office ng Binangonan.

Ang nasabing paligsahan, ayon kay Mayor Cesar Ynares, ay maaaring ilunsad din sa mga barangay sa Talim Island. May 17 barangay sa Talim Island sa bahaging sakop ng Binangonan. Siyam na barangay naman ang nasa bahaging sakop ng Cardona.

Ang nagaganap na mga pag-ulan noong buwan ng Hulyo na dala ng hanging Habagat ay nagresulta sa paglaki ng tubig ngayon sa Laguna de Bay. Kung ngayong Agosto hanggang Nobyembre ay magpapatul­oy ang pagkakaroo­n ng mga malakas na pag-ulan, patuloy din ang pagtaas at paglaki ng tubig sa Laguna de Bay.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines