Balita

UAAP Season, umarya sa Hoop Challenge

- Marivic Awitan

MAAGANG magsisimul­a ang 81st Season ng UAAP sa pamamagita­n ng pagdaraos ng isang pre-season event na tinawag nilang Last One Standing 1-on-1 Hoop Challenge.

Ilulunsad ng season host National University sa pakikiisa ng SM Supermalls ang one-day spectacula­r bilang pasakalye para sa opening ng regular UAAP season na nakatakda sa Setyembre 8 sa Mall of Asia Arena.

Ang UAAP season, na may temang “It All Begins Here” ngayong taon ay tradisyuna­l na nagsisimul­a sa pamamagita­n ng men's basketball competitio­n.

Ang individual skilles event ay gaganapin sa Agosto 17, sa SM Mall of Asia Atrium simula 10:00 ng umaga.

Ang isang araw na torneo ay magtatampo­k sa mga piling kalahok mula sa walong UAAP member schools na magtatagis­an ng kanilang mga taglay na individual skills.

“Last One Standing is going to be a fun and exciting event to watch. The one-on-one is the best showcase for a player’s skills and basketball smarts,” ayon kayvEvent Director, Eric Altamirano, na dating head coach ng NU Bulldogs at sya ring founder at executive director of the National Basketball Training Center (NBTC).

“This is the real test of an athlete’s individual prowess that may also reveal any weakness he may have. Everything’s on show, you can’t hide anything here,” dagdag nito.

Bukod sa one-on-one basketball tournament, ang mga players’ individual skills ay masusubok din sa Slam Dunk Contest, Three-Point Shootout, at Skills Challenge.

Magkakaroo­n ng Men’s at Women’s Division ang bawat kompetisyo­n maliban sa Slam Dunk Contest na para lamang sa kalalakiha­n.

Ang basketball tournament ay mayroong single round robin format kung saan ang top two players sa bawat grupo ay uusad sa semis kung saan ang magwawagi ay magtutuos sa finals.

Ang event ay libre at bukas para aa publiko.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines