Balita

Palasyo naalarma sa pagkontra ng Kamara

- Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at LEONEL M. ABASOLA

Naalarma ang Malacañang matapos magpasya ang House of Representa­tives na suspindihi­n ang 2019 national budget.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque matapos magpasya ang Kamara na suspindihi­n ang deliberasy­on nito sa panukalang P3.757-trilyon national budget para sa 2019 dahil sa pagkontra ng ilang mambabatas sa cash-based budget system na isinusulon­g Department of Budget and Management (DBM).

“Alarmed,” unang sinabi ni Roque sa press briefing kahapon.

“For the past two years, wala pong problema ang Palasyo sa budget. So kauna-unahang pagkakatao­n ‘to na ang House po na may super majority na supposedly administra­tion ay sila pong humaharang ng budget,” aniya.

“Parang nabaliktad na po. Baka nga hindi na kinakailan­gan na magkaroon ng minority floor leader dahil mukhang minority na ang in power doon sa Kongreso,” dugtong niya.

“And I realize these are very harsh words, but these harsh words are intended to deliver the message that we are completely shocked at the resistance of the House because we were confident that when there was a change of leadership, we would still deal with very close allies,” patuloy niya.

SINONG TAKOT?

Sa kabila ng pagkontra ng Kamara, pinanindig­an ng Palasyo ang cashbased budget system. Sinabi ni Roque na hindi natatakot ang Executive Branch sa reenacted budget para sa 2019.

Ang reenacted budget ay nangangahu­lugan na ang government expenditur­es para sa 2019 ay popondohan ng parehong halaga mula sa parehong alokasyon na inaprubaha­n para sa 2018.

“The ball is in the hands of our allies in Congress. But we’re not blinking. We’re not scared of a reenacted budget,” aniya.

Sinabi ni Roque na dapat mag-isip nang mabuti ang mga mambabatas tungkol sa reenacted budget dahil sila ang magdurusa sa 2019, na isang election year.

“The congressme­n better ask themselves what will happen to their pet projects because under reenacted budget, it is Malacañang that would determine which budgets would be implemente­d. I don’t think they want that,” aniya.

Sinabi ni Roque na umaasa siya na sa dulo ay makikipagt­ulungan din ang Kamara sa Ehekutibo.

KADUDA-DUDA Nababahala naman si Senador Francis Pangilinan na magiging ugat ng kurapsyon ang pagkakaroo­n ng reenacted budget sa 2019.

“Ang pagkakaroo­n ng reenacted na budget ay ‘di katanggap-tanggap, lalo na’t taon ng eleksyon ang 2019. Kapag reenacted ang budget, may lubusang kapangyari­han ang Pangulo na ideklara ang capital outlay component bilang “savings,” kung saan bibigyang kapangyari­han nito na magamit ang budget sa anumang programa, aktibidad, at proyekto na naisin ng Pangulo,” paliwanag ni Pangilinan,

Aniya ito ang ginawa noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na ngayon ay House Speaker.

Nagtataka si Pangilinan dahil nangyari ang hindi pagkakauna­waan ng Kamara at Ehekutibo sa ilalim ni Arroyo, kaya’t kaduda-duda rin daw ito.

“Huwag natin kalimutan ang maraming taon kung saan nag-operate tayong may reenacted budget sa ilalim ng Arroyo administra­tion. Dito rin sa mga taong ito lumitaw ang ilang mga alegasyon ng katiwalian sa paggamit ng pondo ng bayan,” paaala ni Pangilinan.

 ??  ?? Speaker Arroyo
Speaker Arroyo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines