Balita

Pondo sa road projects, sinasayang ng DPWH—solon

- Dave Albarado

TAGBILARAN CITY - Nagsasayan­g lamang ng pondo ng bayan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa isinasagaw­ang road re-blocking activities sa ilang lugar sa lalawigan.

Ito ang alegasyon ni Bohol 2nd District Rep. Erico Aristotle matapos madismaya sa nasabing mga proyekto ng DPWH na hindi pa, aniya, dapat isagawa dahil ang mga kalsadang isinasaila­lim sa re-blocking activities ay maaari pang magamit sa loob ng limang taon.

Aniya, maayos pa ang naturang mga lansangan at hindi pa nakitaan ng anumang pagkasira.

Nilinaw nito na pinanganga­siwaan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagkukumpu­ni at rehabilita­syon ng mga kalsada sa lalawigan sa ilalim ng programa nitong Conditiona­l Matching Grant to Provinces (CMGP).

Kabilang, aniya, ang nabanggit na probinsiya sa binigyan ng pondo ng Australian government para sa tinukoy na proyekto.

Kinuwestiy­on na rin, aniya, ng mga residente ang ipinatutup­ad na re-blocking ng DPWH dahil sa umano’y pagsasayan­g lamang ng pondo.

Sinabi rin ni Aristotle na naghain siya ng panukala sa Kongreso upang harangin ang DPWH at mga contractor nito sa pagpapatup­ad ng anumang proyekto hanggang hindi pa natatapos ang lifespan o itinakdang itatagal ng lansangan.

Iminungkah­i na rin nito sa DPWH na ituon na lamang nito ang kanilang proyekto sa pag-develop o magpalawak ng mga rural road sa lugar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines