Balita

Kathryn, sali sa reunion movie nina Sharon at Richard

- Nitz Miralles

NAG-STORYCON na ang reunion movie nina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Sharon Cuneta sa Star Cinema, na pinamagata­ng The Three Words to Forever. Makakasama nila sa pelikula si

Kathryn Bernardo, sa direksiyon ni Cathy

Garcia-Molina.

Tuwang-tuwa siyempre ang fans nina Sharon at Richard na matagal na ring naghihinta­y na muling mapanood ang dalawa, at nataon pa ang kanilang pelikula sa 30th anniversar­y nila as a love team. I-schedule na siguro ang shooting ng dalawa at hindi naman siguro totoo na Saturday and Sunday lang puwedeng mag-shooting si Richard dahil sa Ormoc siya namamalagi.

Kilalang makuwento si Sharon sa Instagram, but this time, parang tahimik siya at puro pictures sa storycon lang ang ipinost ng Megastar. Nag-post lang si Sharon

para magpasalam­at na nag-trending ang storycon.

“Thank you everyone for a wonderful beginning and the good vibes for ‘THREE WORDS TO FOREVER’. We love you!!! Richard, Sharon, Kathryn and Direk Cathy.”

Sunud-sunod pala ang happening ni Sharon, dahil bukod sa gagawing pelikula with Richard, may ire-release rin siyang album. Sa September 28, gagawin naman sa Smart Araneta Coliseum ang concert niyang My 40 Years.

May sagot naman si Sharon sa fans na nagtanong kung magkakaroo­n ng meet and greet ang mga bumili ng VVIP ticket: “Naku wala mga anak. ‘Pag Araneta o malaking venue wala talaga, di kaya. 15-20k na audience, retired na kami sa showbiz ‘di pa tapos mit en grit. Hahaha.”

 ??  ?? Sharon at Richard
Sharon at Richard
 ??  ?? Kathryn
Kathryn

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines