Balita

Moralde, handang sumagupa sa US

- Gilbert Espeña

NASA Wildcard Gym na ng Amerikanon­g trainer na si Freddie Roach si Filipino super featherwei­ght John Vincent Moralde para simulan ang isang buwang pagsasanay sa laban kay 2012 London Olympian Jamel Herring sa Setyembre 14 sa Save Mart Arena sa Fresno, California sa United States.

Paglalaban­an nina Moralde at Herring ang bakanteng IBF USBA super featherwei­ght title na ang magwawagi ay tiyak na papasok sa world rankings.

Binansagan­g “Mulawin,” ito ang ikatlong laban ni Moralde sa US makaraang palasapin ng unang pagkatalo via 7th round TKO ng Amerikanon­g si world rated Toka Khan Clary noong Disyembre 1, 2017 sa Providence, Rhode Island.

Huling lumaban si Moralde noong nakaraang Mayo 26 sa Save Mart Arena, Fresno, California kung saan pinalasap niya ng unang pagkatalo si Ugandan-born American Ismail Muwendo na dalawang beses niyang pinabagsak sa 1st at 5th round para magwagi sa 10-round unanimous decision.

Galing din sa panalo si Herring via 2nd round TKO laban kay dating WBC Internatio­nal junior lightweigh­t champion Juan Pablo Sanchez ng Mexico noong Mayo 12, 2018 sa Madison Square Garden sa New York kaya masusubok ang kakayahan ng 24anyos na si Moralde sa 32-anyos na karibal.

May rekord si Herring na 17 panalo, 2 talo na may 10 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Moralde na may kartadang 20 panalo, 1 talo na may 10 pagwawagi sa knockouts.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines