Balita

Peter Lim, nakalusot sa Cebu raid

- Nina JEFF DAMICOG at FER TABOY

Nabigong maaresto ng Philippine National Police (PNP) ang negosyante si Peter Lim, matapos salakayin ang bahay nito sa Barangay Mabolo, Cebu City, Cebu, nitong Martes ng gabi.

Ayon sa Cebu City Police Office (CCPO), patuloy nilang tinutugis si Lim nang hindi nila madatnan bahay nito.

Ayon sa CCPO, kasama nila ang Special Weapons and Tactics (SWAT) team nang salakayin lugar ni Lim.

Una nang naglabas ng warrant of arrest si Makati Regional Trial Court (RTC) Judge Gina Bibat-Palamos laban kay Lim at sa kasamahan nitong akusado na si Ruel Malindanga­n, matapos umanong makitaan ng probable cause ang kasong conspiracy to commit illegal drug trade o paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Nakipagsab­watan umano ang mga ito sa isang pang druglord na si Kerwin Espinosa sa illegal drug trading sa Visayas.

Si Lim ay sinasabing supplier ng shabu kay Espinosa at kasabwat nitong sina Marcelo Adorco at Ruel Malindanga­n.

Paliwanag naman ni Senior Supt. Lito Patay, hepe ng CIDG-7, hinihintay pa nila ang utos mula sa kinauukula­n at ang hard copy ng warrant of arrest laban kay Lim.

Matatandaa­ng ibinasura ng Department of Justice (DoJ) ang kaso ni Lim na may kaugnayan sa ilegal na droga dahil umano sa mahinang ebidensiya.

Kaugnay nito, bukod sa PNP, kasama na rin ang National Bureau of Investigat­ion (NBI) sa mga tumutugis kina Lim at Malindanga­n.

Ayon kay DoJ Secretary Menardo Guevarra, inatasan na niya ang NBI na makiisa sa manhunt operations laban sa mga ito.

 ??  ?? NAKALUSOT Bigong maaresto ng awtoridad si Peter Lim nang salakayin ang bahay nito Cebu City, nitong Martes ng gabi.
JUAN CARLO DE VELA
NAKALUSOT Bigong maaresto ng awtoridad si Peter Lim nang salakayin ang bahay nito Cebu City, nitong Martes ng gabi. JUAN CARLO DE VELA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines