Balita

Italy: Mahigit 35 patay sa gumuhong tulay

- Ulat ng AP at AFP May ulat ni Bella Gamotea

MILAN - Patuloy ang paghahanap ng mga Italian rescuers sa mga posibleng nakaligtas sa pagguho ng isang tulay sa kasagsagan ng pag-ulan sa Genoa, Italy, nitong Martes, kung saan nasa 30 katao ang nasawi.

Sa ulat, dose-dosenang sasakyan ang bumagsak sa 100-metrong lalim (330 talampakan) at napisa sa malalaking pitak ng semento at mga bakal mula sa bahagi ng Morandi bridge, na sinasabing nagdurugto­ng sa Genoa at sa mga lungsod sa hilagang bahagi ng eastern Liguria patungong France.

Nangyari ang insidente habang isinasaila­lim sa maintenanc­e work ang tulay.

Sinabi naman ni Italian Premier Giuseppe Conte na, “an immense tragedy ... inconceiva­ble in a modern system like ours, a modern country” ang nangyaring insidente. “We must not allow another tragedy like this to happen again,” dagdag niya.

Bagamat, isinisisi sa mahinang istruktura, patuloy pa rin ang imbestigas­yon sa maaaring dahilan ng pagguho. Habang sinabi naman ni Transport Minister Danilo Toninelli na “unacceptab­le” ang nangyaring insidente at “whoever made a mistake must pay.”

Samantala, agad na nagpadala ang Konsulado ng Pilipinas sa Milan ng mga opisyal sa Italy upang alamin kung may Pilipinong nadamay sa pagguho ng tulay.

Sa ulat ni Consul General Irene Susan Natividad sa Department of Foreign Affairs (DFA), i-dineploy sina Welfare Office Jocelyn Hapal at Sylvia de Guzman, opisyal ng CMT, sa Genoa upang matiyak ang kalagayan ng mga Pilipino sa lugar.

Samantala, pinayuhan naman ng mga opisyal ang isang Pinay at mister nitong Italian na lumikas mula sa paanan ng tulay.

Nabatid na binisita na nina Hapal at De Guzman ang dalawang pagamutan na pinagdalha­n sa mga biktima at kinumpirma­ng walang Pinoy na nadamay sa naturang insidente.

 ?? (AP) ?? BUMIGAY SA ULAN Hindi madaanan ng mga motorista ang Morandi bridge sa Genea, northern Italy, matapos gumuho ang malaking bahagi nito sa kasagsagan ng pag-ulan, nitong Martes.
(AP) BUMIGAY SA ULAN Hindi madaanan ng mga motorista ang Morandi bridge sa Genea, northern Italy, matapos gumuho ang malaking bahagi nito sa kasagsagan ng pag-ulan, nitong Martes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines