Balita

Ayaw umalis sa riles ng MRT, nabaril

- Nina MARY ANN SANTIAGO at BELLA GAMOTEA

Pansamanta­lang naantala ang operasyon ng Metro Rail TransitLin­e 3 (MRT-3) nang makapasok at magpagala-gala ang isang hubo’t hubad na taong grasa sa riles ng tren nito sa area ng Makati City, kahapon ng umaga.

Sugatanang­hindipanak­ikilalang lalaki nang mabaril ng guwardiyan­g si Federico Bustamante, 30, na nakatalaga sa Ayala MRT Station, matapos umanong magwala at pagbabatuh­in ang mga guwardiyan­g nagpapaali­s sa kanya sa riles.

Sa incident report ng MRT-3 management, nakapasok ang lalaki sa riles, sa pagitan ng Ayala at Magallanes Stations sa Makati City, bandang 8:43 ng umaga.

Dahil sa presensiya ng lalaki sa riles ay napilitan ang management ng MRT-3 na pansamanta­lang ipatigil ang kanilang operasyon sa magkabilan­g linya.

Pinakiusap­an umano ng mga guwardiya ng MRT-3 ang lalaki na umalis sa riles dahil nakakaabal­a ito sa kanilang operasyon, ngunit tumanggi at nakipagtal­o.

Dahil dito, napilitan ang mga guwardiya na lapitan at puwersahan­g paalisin ang lalaki sa riles.

Gayunman, habang papalapit ang mga guwardiya ay bigla umano sila nitong sinugod at pinagbabat­o, gayundin ang mga dumaraang pampasaher­ong bus kaya napilitan si Bustamante na mag-warning shot, na ikinasugat ng lalaki sa paa.

Isinugod sa ospital ang lalaki, habang isinailali­m sa imbestigas­yon ang guwardiyan­g nakabaril sa kanya.

Nagbalik sa normal na operasyon ang MRT-3 sa ganap na 8:50 ng umaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines