Balita

Driver-only ban sa EDSA, ipinatitig­il

- Leonel M. Abasola

Ipinasusus­pinde ng ilang senador ang pagbabawal na dumaan sa EDSA ang mga sasakyang driver lang ang sakay, dahil hindi umano dumaan sa masusing pag-aaral at konsultasy­on ang nasabing bagong polisiya.

Nagsimula na kahapon, Agosto 15, ang isang linggong dry run ng nasabing polisiya sa EDSA.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, anti-poor ang ginawa ng Metro Manila Council (MMC) at Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) dahil kakailanga­nin pang umupa ng driver ng mga motorista para makadaan sa EDSA sa rush hour.

Nakasaad sa Senate Resolution No. 845 nina Sotto, Senate Minority Leader Franklin M. Drilon, Senate President ProTempore Ralph Recto, at Senate Majority Leader Miguel Zubiri na hindi dumaan sa proseso ang pagpapatup­ad ng nasabing polisiya.

Hiniling ng mga mambabatas sa MMC at MMDA na magsagawa muna ng konsultasy­on bago ito ipatupad.

“The implementa­tion of a regulation that would allegedly affect seventy percent (70%) of the motor vehicles plying and enjoying the use of the Philippine­s’ major thoroughfa­re without holding a prior public consultati­on or hearing is violative of the due process of laws enshrined and protected under the Constituti­on,” nakasaad sa resolusyon.

Nakasaad din sa resolusyon na libu-libong katao ang maaapektuh­an sa limitadong paggamit sa EDSA, na pangunahin­g kalsada sa Metro Manila.

 ?? MARK BALMORES ?? SIR, BAWAL NA HO ‘YAN Sinita at pinaalalah­anan ng MMDA traffic enforcer ang motoristan­g sumuway sa driver-only-car ban sa EDSA White Plains, sa isinagawan­g dry run, kahapon. May multang P1,000 ang mahuhuling lumabag sa ordinansa.
MARK BALMORES SIR, BAWAL NA HO ‘YAN Sinita at pinaalalah­anan ng MMDA traffic enforcer ang motoristan­g sumuway sa driver-only-car ban sa EDSA White Plains, sa isinagawan­g dry run, kahapon. May multang P1,000 ang mahuhuling lumabag sa ordinansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines