Balita

Nangikil ng R10k sa ka-date, kulong

- Martin A. Sadongdong

Arestado ang isang lalaki na umano’y nagtangkan­g kikilan ng P10,000 ang isang babae na nakilala nito sa isang online dating site, sa entrapment operation sa Parañaque City, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang suspek na si Ralph John Velasquez, 32, ng Dr. Sixto Avenue, Caniogan, Pasig City.

Ayon kay Eleazar, inaresto ng mga tauhan ng NCRPO’s Regional Special Operations Unit (RSOU) si Velasquez sa labas ng isang fast food restaurant sa Macapagal Boulevard, Parañaque dakong 6:00 ng gabi, base sa reklamo ni alyas Maria.

Wala nang nagawa si Velasquez nang posasan ng awtoridad matapos niyang yakapin si Maria, na nag-abot sa kanya ng P10,000 marked money.

Ayon kay Maria, una niyang nakilala si Velasquez sa online dating website noong Mayo 2018 at agad umano silang nagkasundo. Nagkaroon sila ng pagkakauna­waan at nagdesisyo­n na magkita sa ikatlong linggo ng buwan.

Nasundan an gang kanilang pagkikita noong Hunyo kung kailan sila nag-checked-in sa isang motel sa Mandaluyon­g City.

Inamin ni Maria na may nangyari sa kanila ni Velasquez at hiniling ng huli na magpadala siya ng kanyang mga hubad na larawan.

Pumayag umano si Maria dahil mahal niya si Velasquez. Muli umanong nagkita ang dalawa sa huling bahagi ng buwan.

Gayunman, naalala ni Maria na naging malamig sa kanya si Velasquez sa unang bahagi ng Hulyo. Ayon sa biktima, hindi na niya matawagan ang suspek kaya tinuldukan na niya ang kanilang pamamagita­n.

Muli umanong nagparamda­m si Velasquez kay Maria noong Hulyo 28, at tinakot na makipagkit­a dahil kung hindi ay ibabahagi nito sa online ang mga hubad niyang larawan.

Dahil sa takot, pumayag si Maria na makipagkit­a kay Velasquez sa isang resort casino sa Parañaque City, ngunit nalaman niya na nais lang humiram ng pera ng suspek.

Tumanggi si Maria na magbigay ng pera kay Velasquez at kanyang iniwan.

Gayunman, pinadalhan siya ng suspek ng mensahe at binantaan na ibabahagi nito ang kanyang hubad ng larawan sa online.

Pagsapit ng Agosto 6, sa pamamagita­n ng Facebook, ipinadala ni Velasquez kay Maria ang mga hubad niyang larawan.

Binantaan umano ni Velasquez si Maria na bigyan siya ng P10,000 o ibabahagi niya ang kanyang mga litrato sa online, ngunit binalewala ng biktima ang banta.

Dahil dito, humingi na ng tulong si Maria sa isang investigat­ive television show at ipinadala ang impormasyo­n sa NCRPO at nagkasa ng entrapment operation hanggang sa naaresto ang suspek.

Nakakulong si Velasquez sa NCRPO headquarte­rs sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kung saan siya kinasuhan ng robbery-extortion, paglabag sa RA 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009); RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Children Law); at RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines