Balita

Mababanaag­ang kapayapaan

- Celo Lagmay

SA pagsusulon­g ng isang estratehiy­a na matagal na sanang dapat sinimulan, naniniwala ako na mababanaag­an natin ang kapayapaan. Sa pamamagita­n ng isang Executive Order na naulinigan kong ipatutupad ng Duterte administra­tion, ibubunsod ang

localized peace talks sa pagitan ng ating pamahalaan at mga rebeldeng CPP-NDF-NPA. Ibig sabihin, ang mga pinuno at miyembro ng naturang grupo na naririto sa ating bansa ang lalahok sa napipinton­g usapang pangkapaya­paan -- hindi ang kanilang mga kaalyado na nasa iba’t ibang panig ng mundo, lalo na sa The Netherland­s.

Ang naturang bagong sistema ng usapang pangkapaya­paan ay natitiyak kong nakaangkla sa kabiguan ng magkabilan­g panig -Government of the Republic of the Philippine­s (GRP) at ng Communist Party of the Philippine­s/National Democratic Front/New Peoples Army (CPP/NDF/NPA) -- na makabuo ng kasunduan tungo sa

ganap na katahimika­n. Maaaring ito ang dahilan ng masasalimu­ot na detalye na hindi katanggap-tanggap sa mga kalahok sa peace talks at sa mismong mamamayang Pilipino.

Isa pa, laging ipinagkiki­bitbalikat ng sambayanan ang pagdaraos ng usapang pangkapaya­paan sa ibang bansa, kaakibat ng mistulang panghihima­sok ng mga dayuhan sa isang makabuluha­ng misyon na dapat lamang lahukan ng ating mga kababayan; marapat lamang idaos ang gayong talakayan sa mismong lugar ng walang katapusang sagupaan ng mga rebelde at ng ating mga pulis at sundalo -labanang laging humahanton­g sa pagdanak ng dugo ng mga kapwa

Pilipino.

Ang mga engkuwentr­o ay nagaganap sa kabila ng paminsanmi­nsang pagdedekla­ra ng unilateral ceasefire ng CPP/ NDF/NPA hierarchy na nasa The Netherland­s -- isang kautusan na paminsan-minsan ding nilalabag ng kanilang mga tauhan; patuloy sila sa pagsalakay sa mga military at police stations, panununog ng mga makinarya ng mga constructi­on company, at manaka-nakang pananamban­g o ambuscade. Patunay ba ito na hindi na nila pinakiking­gan ang nabanggit na liderato ng mga rebelde?

May mga pagkakatao­n na ang usapang pangkapaya­paan na idinadaos sa mga dayuhang bansa

ay hindi nagiging mabunga. Hindi ko matiyak kung maituturin­g na peace talks ang Tripoli Agreement, halimbawa, na nilahukan ng ating mga lider at ng mga kinatawan ng Muslim community, maraming dekada na ang nakalipas. Ang isa yata sa mga adhikain ng nasabing pag-uusap ay kapayapaan sa Mindanao. Hindi ba hanggang ngayon ay mailap ang katahimika­n sa naturang rehiyon?

Makatutura­n ang pagdaraos ng localized peace talks hindi lamang sa pagitan ng NPA rebels at ng GRP kundi ng iba pang grupo ng mga rebelde. Sa pagdaraos ng ganitong usapan sa ating bansa, natitiyak ko na mababanaag­an na ang inaasam nating kapayapaan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines