Balita

Edu ‘di pine-pressure si Luis na ‘tumalon sa kumunoy’

- Ni ADOR V. SALUTA

NOON pa man, sa tuwing tinatanong si Edu Manzano tungkol sa pakikipagr­elasyon ng kanyang mga anak, never talagang nagsalita ang beteranong aktor tungkol sa buhay pag-ibig ng kanyang mga anak, o sa isyu kung kailangan na bang lumagay sa tahimik ang mga ito.

Kilala bilang strict at disciplina­rian sa mga anak si Edu pagdating sa usaping-pagaaral. Gaya ng ibang magulang, gusto niyang makapagtap­os sa pag-aaral ang kanyang mga anak bago sundan ang kanyang yapak sa showbiz o mag-asawa kaya.

Kaya naman sa usapin ng pakikipagr­elasyon ng mga anak, lalo na sa panganay niyang si Luis Manzano ay never talagang nakialam si Edu—na may mahalagang role ngayon sa FPJ’s Ang Probinsiya­no.

Katwiran ni Edu, nasa tamang edad na si Luis para mag-asawa, pero sa kabila nito, never siyang nagkomento tungkol sa love life ng anak nila ni Congresswo­man Vilma Santos.

“I don’t know. Actually, pagdating dun sa aspetong ‘yun, hinding-hindi ako nakikiaala­m sa kanila, dahil nasa tamang edad naman sila, eh,” sabi ni Edu, idinagdag na masaya siyang pawang inuna ng tatlo niyang anak ang pagtatapos ng pag-aaral.

Aniya, ang desisyon ng kanyang mga anak tungkol sa taong mamahalin nila ay personal at kailangan niyang irespeto.

“Kung ano man ‘yun, hindi dapat makialam ang magulang,” giit ni Edu.

Sa tingin ba niya, late ang pag-aasawa for Luis— na kase-celebrate lang ng second anniversar­y with Jessy Mendiola noong

June? “Iba na rin ang dynamics ngayon, eh. ‘Yung iba, mas binibigyan muna ng importansi­ya… ang prioridad ‘yung kanilang career, ‘yung kanilang mga propesyon. “Yung iba, gustong handang-handa bago sila... kumbaga tumalon sa kumunoy. Gusto nilang maging financiall­y stable, gusto nila na sigurado sila na tama sila para sa isa’t isa.” Pero hindi naman daw minamadali ni Edu si Luis na mag-asawa para magkaapo na siya.

“So, hindi natin kailangang bigyan ng pressure o madaliin, eh. So, sa tamang panahon ‘yun,” sabi ni Edu sa panayam ng PEP sa trade launch ng bagong animé drama series na Barangay 143, kamakailan.

Si Edu ang isa sa maglalapat ng boses sa isa sa mga karakter ng kauna-unahang animé series sa bansa, na ipalalabas sa GMA-7 simula sa October 2018.

Balik sa paggawa ng teleserye si Edu, ngayon sa pamamagita­n ng ABSCBN primetime series na Ang Probinsiya­no.

Aminado rin ang aktor na na-miss niya ang pag-arte. “Oo, actually. Hindi ko nami-miss ‘yung oras, kasi siyempre ‘yung puyat. Pero andun pa rin ‘yung mga kaibigan. Nandun ‘yung mga nakasama mong direktor, ‘yung pressure. “Maganda din talaga yung pag-arte dahil nailalabas mo ‘yung kung anuman na meron kang mga saloobin, eh. So, ito ay isang bagay na over 30 years na ako na nasa entertainm­ent industry.” Naiisip na ba ni Edu na magretiro?

“Siguro, another 30 na lang siguro, ‘tapos magreretir­o na ako,” biro niya.

 ??  ?? Edu
Edu

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines