Balita

Alice kay Joshua:You’re so sweet

- Ni REGGEE BONOAN

ALIW na aliw si Alice Dixson kay Joshua

Garcia nang malaman niyang crush na crush pala siya ng binata, kaya pala napapansin niyang aloof ito sa kanya kapag nagte-taping sila ng bago nilang teleserye, ang Ngayon at Kailanman, na mapapanood na sa Lunes, Agosto 20, mula sa Star Creatives.

Ito ay makaraang ibuking mismo si Joshua ng ka-love team na si Julia Barretto.

“So far, Joshua has been very quiet sa akin, naiilang pa yata, eh. But he’s role naman talaga is sort of very soft-spoken, young man, and ako naman ay quite abrasive na madali akong magalit sa kanya,” kuwento ni Alice.

“So, parang napapatahi­mik na rin siya and hindi pa kami nagkukuwen­tuhan sa set kaya maybe I’ll find out why naiilang siya and I don’t know if he’ll open up to me.”

Nang tinanong si Joshua kung bakit siya naiilang kay Alice, hindi halos makapagsal­ita ang aktor. Sinabi na lang niya: “Gusto ko ‘yung vibe ni Ms Alice, masayahin siya. Cute siya kapag nagsasalit­a.”

Nagkatawan­an na ang lahat dahil hindi na mapakali si Joshua habang katabi si Alice. Mas lalong naging masaya ang lahat nang magkuwento na si Julia kung bakit naiilang ang “Baba” niya sa magandang aktres.

Bago nagkuwento si Julia, pinipigila­n pa siya ni Joshua. Pero sa huli ay pumayag na lang ang binata.

“May isang taping day na maaga akong napack up tapos pauwi na ako tapos nag-text siya, excited siya, sabi niya, ‘pack-up na, I just finished the scene with my girlfriend’,” pambubukin­g ni Julia.

Nagkahiyaw­an ang lahat ng tao sa Dolphy Theater nang mga sandaling iyon.

Napaisip daw si Julia, “May girlfriend ba siya sa story? Ano bang sinasabi nito. Girlfriend!” Saka raw na-realize ng aktres kung sino ang tinutukoy ni Joshua na kaeksena nito.

“Girlfriend niya si Ms Alice? Oh my God! Joshua is so kinikilig, he’s very appreciati­ve talaga kay Ms Alice! Nung nalaman niyang magiging mommy niya (sa kuwento), sobrang kinikilig siya,” kuwento pa ni Julia.

Humirit si Alice: “(How) sweet! You’re so sweet, don’t be embarrasse­d. At kung tawag niya sa akin girlfriend? Anong tawag niya kay Julia?”

Kaya naman nang makausap nang solo si Alice ay hiningan siya ng reaksiyon tungkol sa crush sa kanya ni Joshua.

“Nakakabata ang pakiramdam, pero may conscious kapag masyadong bata. Ha, ha, ha. Flattering naman kasi I find that scenario is cute, kasi anak ko siya sa soap, what else would it be but sweet,” ani Alice.

At dahil guest ang aktor sa Tonight with Boy Abunda ay may message si Alice sa kanya.

“Joshua, it’s me your mom. I wish you well and gagalingan natin sa mga eksena and if you need anything just let me know, give me a call, text me. Enjoy our show.”

Pero biglang bawi rin naman ang aktres at sinabing confidenti­al ang numero ng cell phone niya. Biro lang daw na tawagan o i-text siya ni Joshua.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines