Aretha Franklin, binisita nina Stevie Wonder, Jesse Jackson
BINISITA si Aretha Franklin, ang legendary soul singer na kamakailan ay napaulat na may malalang sakit, ng kapwa recording artist na si Stevie Wonder, at ng U.S. civil rights leader na si Jesse Jackson at dating asawang si Glynn Turman sa kanyang tahanan sa Detroit nitong Martes, pahayag ng publicist ng singer. Tumakbo ang career ni Aretha, 76, naging onetime gospel singer na tinaguriang “Queen of Soul”, ng mahigit 50 taon, at ngayong ay sumasailalim sa hospice care sa kanyang tahanan, ayon kay publicist Gwendolyn Quinn.
Hindi naman isiniwalat ni Gwendolyn ang sakit ni Aretha ngunit sabi niya: “She’s seriously ill.”
Ang mang-aawit, na kumanta ng Chain of Fools at Think, ay matagal nang mayroong professional relationship kay Stevie, na nakasama niya sa pagtatanghal sa Annual Soul Train Lady of Soul Awards sa Pasadena, California, 13 taon na ang nakalipas.
Nagpakasal naman sila ni Glynn noong 1978
hanggang sa maghiwalay noong 1984.
Noong kanyang kapanahunan, ‘60s at ‘70s, ay namayagpag si Aretha sa music charts, sa pamamagitan ng hits na I Never Loved a Man (The Way I Love You), Baby, I Love You, (You Make Me Feel Like) A
Natural Woman, at Respect, ang cover ng Otis Redding tune na naging kanta ng empowerment sa kasagsagan ng U.S. civil rights era.
Nagpahayag naman ng kanilang saloobin ang fans ni Aretha, kabilang si dating U.S. President Bill Clinton, sa social media.
“Like people all around the world,
Hillary and I are thinking about Aretha Franklin tonight & listening to her music that has been such an important part of our lives the last 50 years,” tweet ng dating presidente nitong Lunes ng gabi.