Balita

Unahan sa ibabaw ang Chelu at Gold

- Marivic Awitan

Laro Ngayon (Ynares Sports Arena) 5:00 n.h. -- Chelu Bar and Grill vs Go for Gold

UNAHAN na makapagtal­a ng ikalawang panalo na maglalapit sa kanila sa pinagaagaw­ang titulo ang asam ng magkatungg­aling Chelu Bar and Grill at Go for Gold sa muli nilang pagtutuos ngayong hapon sa Game Three ng kanilang bestof-five series para sa 2018 PBA D League Foundation Cup Finals.

Ganap na 5:00 ng hapon ang muling tapatan ng Revellers at Scratchers na tabla ngayon sa 1-1, pagkaraang makatabla ang huli nitong Game Two sa pamamagita­n ng 105-81 na panalo.

Sa pangunguna ni Gab Banal na nagtala ng 7-of-8 mula sa 3 point arc at tumapos na may 33 puntos , nakagawa ang Scratchers sa kabuuan ng 15 triples.

Gayunman, batid ni Go for Gold coach Stevenson Tiu na hindi pa tapos ang problema nila sa Revellers.

“I can’t say we solved their puzzle until we beat them two more times.”

Gaya ng dati, inaasahang mamumuno sa gagawing pagbawi ng koponan si Jeff Viernes.

Ngunit, ayon kay Tiu, kailangan niya ng total team effort.

“Kulang kami sa intensity at focus. Yun ang dapat namin ayusin sa Game 3.”

Sinang-ayunan naman ito ng kanyang beteranong big man na si Jay-R Taganas.

“Yun lang, kailangan lang namin ibalik yung laro namin, yung effort namin, gawin lang namin yung dati naming ginagawa para manalo,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines