Balita

Pulis isinumbong ni misis, huli sa buy-bust

- Nina FER TABOY at BELLA GAMOTEA

Ipinaarest­o ng babae ang kanyang mister na pulis dahil sa umano’y pambubugbo­g nito sa kanya at pagtutulak ng ilegal na droga sa Barangay Central Signal, Taguig City, nitong Miyerkules.

Iniharap nina Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde at National Regional Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Guillermo Eleazar sa mga mamamahaya­g ang suspek na kinilalang si PO1 Jeffrey Amador, na dating nakatalaga sa Taguig City Police Station (TCPS) at inilipat sa Southern Police District – Special Operations Unit (SPD-SOU).

Ayon kay Eleazar, si Amador ay nag-absence without leave (AWOL) makaraang magbigay ng babala ang PNP laban sa mga tiwaling pulis.

Sabi naman ni Albayalde, matagal nang minamanman­an ng awtoridad si Amador dahil sa umano’y pagtutulak ng droga.

Tuluyang inaresto ang suspek nang magtungo sa himpilan ng pulisya ang misis ni Amador na kinilalang si Michelle Amador, upang ireklamo ito ng pambubugbo­g.

Inamin umano ni Michelle na sangkot ang kanyang mister sa kalakaran ng ilegal na droga.

Dahil dito, agad bumuo ng grupo ang Southern Police District Office (SPDO) at nagsagawa ng buy-bust operation laban kay Amador.

Hindi na nakapalag ang suspek nang posasan ng mga kabaro.

Narekober sa suspek ang limang pakete ng hinihinala­ng shabu at isang cal 45 baril.

Kakasuhan si Amador ng paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 9262 (Violence Against Women and Children).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines