Balita

Tandem huli sa pamamaril sa checkpoint

- Mary Ann Santiago

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang riding-intandem nang umiwas umano ang mga ito sa checkpoint at makipagbar­ilan sa awtoridad sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Sasampahan ng mga kasong Direct Assault Upon Agent of Person in Authority, paglabag sa RA 10591 (Comprehens­ive Law on Firearms and Ammunition) at RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002) sina Argelle Evans Cunanan, 26, ng LRC Compound, C.M. Recto Avenue, sa Sta. Cruz, Maynila; at Orlando Ignacio, 32, ng Balagtas Street, Tondo, Maynila.

Sa ulat ng MPD-Sampaloc Police Station (PS4), nagsagawa ng “Oplan Sita” ang mga tauhan ng UBA Police Community Precinct (PCP) sa Laon Laan St., kanto ng A. Mendoza St., sa Sampaloc, matapos na makatangga­p ng tip hinggil sa presensiya ng mga suspek sa pagtangay sa isang motorsiklo sa kanilang area of responsibi­lity.

Pagsapit ng 3:40 ng hapon, namataan ng mga pulis ang mga suspek, na magkaangka­s sa isang motorsiklo­ng walang plaka.

Pinara ng mga pulis ang mga suspek, ngunit sa halip na huminto ay humarurot umano ang mga ito habang pinapaputu­kan ang mga pulis.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek hanggang sa nakorner at naaresto.

Isa sa mga suspek ang sugatan, na isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center, habang ang isa pa ay binitbit sa presinto para imbestigah­an.

Narekober sa mga suspek ang cal .38 revolver na may mga bala, dalawang improvised picklocks, martilyo, plais, Allen wrench, dalawang pakete ng umano’y shabu at motorsiklo na biniberipi­ka kung nakaw o hindi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines