Balita

Driver-only ban suspendido muna—MMDA

- Nina MERLINA HERNANDO MALIPOT at BELLA GAMOTEA

Sinuspinde na ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) ang pagpapatup­ad ng expanded High Occupancy Vehicle (HOV) traffic scheme, o driver-only car ban sa EDSA, matapos itong umani ng batikos mula sa mga maaapektuh­an nito.

Sa isang pagpupulon­g kahapon, sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na hindi muna ipatutupad ang HOV system sa Agosto 23.

Aniya, magpupulon­g muna ang mga miyembro ng Metro Manila Council (MMC) sa susunod na linggo upang talakayin ang usapin.

Depensa niya, walang kapangyari­han ang MMDA na kanselahin nang tuluyan ang HOV dahil isa itong resolusyon ng MMC, na binubuo ng 17 alkalde, bise alkalde, at konsehal.

“Ang makakapagp­atigil o makakapagp­abago nito is the MMC not the MMDA,” paglilinaw ni Garcia.

Sa kabila nito, ayon kay Garcia, itutuloy pa rin nila ang dry run ng nabanggit na sistema, na nagsimula nitong Miyerkules.

“We’re calling on the public that even if the full implementa­tion of HOV is suspended, please participat­e in the dry run, we might appreciate it,” ani Garcia.

Nauna nang naglabas ng resolusyon ang Senado na humihiling sa MMDA na ipatigil muna ang implementa­syon ng HOV sa EDSA.

Ang naturang resolusyon ay ipinadala kahapon sa MMDA.

“The mere fact they issued resolution, we respect that because nothing will happen if we don’t work together,” dagdag pa nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines