Balita

R6.8-B shabu probe tututukan; PDEA chief nag-leave

- Argyll Cyrus B. Geducos

Nangako ang National Bureau on Investigat­ion (NBI) na magsasagaw­a ng masusing imbestigas­yon sa mga magnetic lifter na sinasabing naglalaman ng P6.4bilyon halaga ng ilegal na droga.

Ito ang inihayag kahapon ni NBI Spokespers­on Ferdinand Lavin, makaraang sabihin ni Pangulong Duterte na naniniwala itong walang droga sa nasabing mga lifter, na nadiskubre sa isang bodega sa Cavite noong nakaraang linggo. Sinabi ng Presidente na pawang espekulasy­on lang ang nasabing ulat.

Nauna rito, inatasan ng Department of Justice (DoJ) ang NBI na siyasatin kung paanong nakalusot sa Bureau of Customs (BoC) ang nasabing kargamento.

Sa sa press briefing sa Malacañang, tumanggi si Lavin na magkomento sa imbestigas­yong ginagawa ng NBI AntiIllega­l Drugs Task Force, bagamat tiniyak na magsasagaw­a ang kawanihan ng masusing pagsisiyas­at sa isyu, kabilang ang forensics, at gagawin lang ang imbestigas­yon batay sa mga ebidensiya.

“We will conduct our investigat­ion independen­t of the comment of government officials. Rest assured this is going to be a thorough investigat­ion based on evidence,” ani Lavin.

Kasabay nito, kinumpirma kahapon ni Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) na nananatili pa rin sa Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) si Director General Aaron Aquino, at hindi ito nagbitiw sa puwesto.

Ito ang kinumpirma ng PCOO makaraang mapaulat na naka-leave ngayon si Aquino sa gitna ng kontrobers­iya sa P6.8-bilyon shabu na umano’y nakapuslit sa bansa.

“He filed a leave prior to this week for a vacation leave,” sabi ni PCOO Assistant Secretary Marie Banaag. “We had a meeting at the NBI two weeks ago, and then he already filed a leave for this week.”

 ??  ?? NAANOD Tulungtulo­ng na binuhat ng mga mangingisd­a at mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang bangkay ng Butanding, na may lapad na 3.4 metro at habang 16.4 metro, na natagpuan sa Navotas fish port, kahapon. JANSEN ROMERO
NAANOD Tulungtulo­ng na binuhat ng mga mangingisd­a at mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang bangkay ng Butanding, na may lapad na 3.4 metro at habang 16.4 metro, na natagpuan sa Navotas fish port, kahapon. JANSEN ROMERO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines