Balita

NPA: Ni-raid na presinto, sangkot sa droga

- Ni NESTOR L. ABREMATEA

TACLOBAN CITY - Inako na ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Northern Samar ang insidente ng pagsalakay sa Lapinig police station sa Northern Samar, isang linggo na ang nakararaan.

Sa isang pahayag, inamin ni Amado Pesante, tagapagsal­ita ng NPA-Northern Samar Rodante Urtal Command, na sila ang nasa likod ng pagsalakay sa nasabing himpilan ng pulisya kung saan tinangay din nila ang ilang matataas na kalibre ng baril, nitong Agosto 10 ng madaling araw.

Pinagbabar­il din nila, aniya, ang nasabing istasyon ng pulisya na ikinasugat ng dalawang pulis.

Ang dahilan ni Pesante, sangkot ang nasabing police unit sa illegal drug trade sa ilang lugar sa lalawigan.

“This is a big blow against coddlers of the illegal drug trade right under the nose of the reactionar­y government while a number of PNP units have become instrument­s to Duterte’s hypocritic­al drug menace Oplan Tokhang that launches a killing spree specifical­ly against the poor,” aniya.

Bahagi rin, aniya, ito ng kanilang tactical offensive bilang tugon sa pinaigting na pagmamalup­it ng administra­syon.

“Human rights violations are piling up in the province akin to Palparan-style butchery during the Arroyo regime and martial rule reminiscen­t to Marcos’ dictatoria­l regime. In Northern Samar, at least eight communitie­s have been occupied by state security forces since the second half of the year,” paliwanag pa nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines