Balita

Pagtulong ‘part of my life’s purpose’

- Ni DINDO M. BALARES

KUNG baligtad na ang mundo, maniniwala ka sa mga troll na mukhang nag-o-overtime sa pambaba-bash kay Kris Aquino simula nang lumabas siya nitong nakaraang Lunes ng gabi para magkawangg­awa sa mga kababayan nating binaha sa Marikina.

Gusto ko na tuloy magsisi sa pagpapadal­a sa kanya ng mga litratong kuha sa evacuation centers. Parang ako tuloy ang may kasalanan. Namamahing­a si Kris simula Linggo, forced complete bed rest na utos ng doktor, dahil bagsak ang blood pressure niya. Pero hindi ko alam na nilimitaha­n din pati ang pagbutingt­ing niya sa social media. Kaya napadalhan ko pa tuloy ng photos. Nasa 80/55 ang BP ni Kris paggising nang araw na ‘yun. Bandang tanghali ko naisend ang photos.

Natuwa siya sa maayos na cubicles na pansamanta­lang tirahan ng nga bakwit sa Marikina at Makati at napag-usapan namin sa pamamagita­n ng personal messaging kung bakit mukhang walang relief operations. Ang sabi ko, medyo naghihigpi­t ng sinturon ang mga tao. Bandang alas sais ng gabi, bigla siyang may mensahe na pupunta raw siya sa Marikina.

Na nagpapabil­i na siya ng relief goods sa staff niya sa SM Hypermart at Puregold. Panay ang pigil ko, nagsuggest na ipamahala na lang niya sa mga tao niya ang pamamahagi ng tulong niya. “Delikado ka sa 80/55 na

BP mong ‘yan,” sabi ko.

Sabi ba naman, at ipinagmala­ki pa, “90/70 na, Kuya Dindo!” Iba pa rin daw ang may napakain na, may mapapangit­i pa siya. “Di pa rin normal ‘yang BP na ‘yan, Krisy!” Useless ang pagkontra, lalo na nang sabihin niyang, “This is part of my life’s purpose.” At may katwiran din naman siya: “Nakita ko, Kuya Dindo ‘yung need -- so GO. Tatayo. ‘Di p’wedeng gown lang ang ‘nirampa.” Bandang 10 PM na siya nakapag-distribute ng tulong sa H. Bautista Elementary School (na aliw na aliw siya, dahil sa... alam na this!). Dahil yata napamukhaa­n ang mga traditiona­l politician na ni ha, ni ho sa kalagayan ng evacuees, ipinadumog sa kanilang trolls si Kris. Nagkataon lang na ito ang naging viral na kawanggawa ng Queen of All Media. May nalaman kasi akong tuluy-tuloy na charity works niya sa iba’t ibang parokya at komunidad ng mga maralitang tagalungso­d, simula sa feeding programs hanggang sa katekismo. Kapag nag-viral din ito, baka mag-riot na ang mga trapo at hired trolls nila. Ang tumutulong na ang pinalalaba­s na masama. Bida na ang wala anumang ginawa para sa kapakanan ng kapwa.

Ang kabutihan sa lahat ng ito, wala nang matinong tao na naniniwala sa trolls. Dahil likas pa ring marunong tumingin ng mabuting puso ang mga Pilipino. Sa tulong ng Panginoong Diyos, hindi pa rin nila tuluyang nababaligt­ad ang mundo.

 ??  ??
 ??  ?? Kris
Kris

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines